25.7 C
Manila
Martes, Enero 14, 2025

PCG nangangailangan ng 37,169 karagdagang coast guards

- Advertisement -
- Advertisement -

MANGANGAILANGAN ng karagdagang 37,169 na mga tanod baybayin ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagpapatrolya sa dalampasigan at sa mga inaasahang bagong barko ng bansa.

Iyan ang ibinalita ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tristan Tarriela sa idinaos na Kongreso ng Mangingisda para sa Kapayapaan at Kaunlaran sa bayan ng Subic sa Zambales.

Ang pagdaragdag ng  mga tauhan ay bahagi ng maagang paghahanda sa pagdating ng limang bagong barko ng PCG mula sa Japan.

Kinatigan naman National Security Council Assistant Director-General Jonathan Malaya ang inisyatibo ng PCG na dagdagan ang kanilang tauhan.

Ani Malaya, kailangang kailangan ang sapat na dami ng tanod baybayin, karagdagang barko at eroplano para sa PCG upang matiyak ang regular na pag-agapay sa mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit sa 30,000 kawani ang PCG at malaking bahagi ng mga ito ay mga tanod baybayin.

Aabot naman sa P31.3 bilyon ang pondo ng PCG na inaprubahan ng Department of Budget and Management para sa taong 2025 upang tiyak na matustusan ang pagdaragdag ng mga tanod baybayin. (PIA Region 3-Zambales)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -