NAGPUNTA si Senator Bong Go sa Gapan City, Nueva Ecija para makapagbigay ng karagdagang suporta sa mga kababayan nating tagapagtaguyod ng kanilang pamilya, solo parents, at PWDs, ngayong Lunes, September 30, 2024.
Kasama ang kanyang Malasakit Team, namahagi sila ng food packs, snacks, vitamins, masks, shirts, at ilang bola ng basketball at volleyball sa 1,667 na benepisyaryo. May suporta rin na financial assistance ang gobyerno para sa mga mamamayang nagpunta sa relief activity na ginanap sa Cong. Emerson Pascual Convention Center.
Hindi magiging posible ang pagtulong na ito kung wala ang inisyatiba at suporta rin nina Congressman Emerson D. Pascual, Mayor Emary Joy Pascual, Vice Mayor Inocencio Bautista Jr., mga councilors, at mga barangay captains.
Patuloy na tutulong si Senator Bong Go sa abot ng kanyang makakaya dahil bisyo niya na ang magserbisyo sa bawat Pilipino!