SA kabila ng masamang panahon dulot ng Bagyong Julian, ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahigit 4,663 Certificates of Condonation and Release of Mortgages sa 3,527 Agrarian Reform Beneficiaries sa Paniqui, Tarlac ngayong araw, Setyembre 30, 2024.
Ang hakbang na ito ay nagbura ng higit ₱124.6 milyon na utang ng mga magsasaka, bahagi ng New Agrarian Emancipation Act na layong alisin ang kanilang mga pagkakautang. Sa pamamagitan nito, mas makakapag-invest sila sa kanilang sakahan at kabuhayan.