NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa pagiging bahagi ng administrasyon sa senatorial slate 2025.
“Taos-puso akong nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa tiwala at kumpiyansa na ipinagkaloob niya sa akin upang maging bahagi ng kanyang senatorial slate, ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas 2025.
“Ang nakalipas na dalawang taon ay isa sa mga pinakamalaking karangalan ng aking buhay — ang magsilbi sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. bilang Kalihim ng DILG.
Ang susunod na kabanata ay magiging isang mahalagang yugto para sa ating bansa, at kailangan ng Pangulo ang ating suporta. Sa panawagan upang tumulong at magkaisa, buo ang aking puso sa panawagan ng pagtutulungan at pagkakaisa. Magtulungan tayo para sa ikabubuti ng ating bansa.
“Kaya’t buong kababaang-loob kong tinatanggap ang hamon na ipagpatuloy ang legislative agenda ng Pangulo, na nakaangkla sa pag-angat ng ating bansa at sa pagpapabuti ng buhay ng bawat Juan dela Cruz.”