26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Sen Mark Villar: Palakasin ang mga cooperative bank

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senator Mark Villar na kailangang palakasin ang mga cooperative bank para maging accessable ito sa mgay miyembro-kooperatiba na nasa mga malalayong lugar ng bansa. Sa ginanap na hearing ngayon, Miyerkules, Oktobre 2, sa pamamagitan ng Philippine Cooperative Code of 2008, ang cooperative sector ay malaki ang nagawa upang makapagbigay ng tulong pinansyal to mga rural areas, lalo na ang pagpapalawig ng mga pautang at credit sa mga mahihirap na komunidad. Ayon sa pinakahuling ulat ng Central Bank of the Philippines, mayroong 21 cooperative bank sa buong Pilipinas.

Dahil dito, iminungkahi ni Villar na bisitahin ang legal at policy framework ng mga cooperative bank para siguraduhin, upang matiyak na ang kanilang mga mapagkukunan at tungkulin ay nananatiling naaayon sa kasalukuyang mga trend at hinihingi ng sistema ng pananalapi at sosyo-ekonomikong pananaw ng bansa.

“Mas maraming mangingisda, magsasaka, entrepreneurs, small traders, at iba pang rural workers ang matutulungan nito dahil mabibigyan natin ang cooperative banks ng mas maraming resources na maibabahagi nila sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng maayos na regulations,” sabi ng senador.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -