25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Sen Tulfo kinuwestyon ang kredibilidad ng DICT office matapos itong ma-hack noong Hulyo

- Advertisement -
- Advertisement -

HABANG nagkakaroon ng hearing ang Subcommittee E sa mungkahing 2025 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang attached agencies ngayong Miyerkules, kinuwestyon ni Senator Raffy Tulfo ang kanyang concern sa kapabilidad ng ahensya matapos ang isang opisina nito ay ma-hack. Tinukoy ni Tulfo ang hacking ng Risk Reduction Management Division ng DICT noong Hulyo 3, 2024.

“How can you claim yourself to be a cyber security authority if one of your offices was hacked? How can the cyber security protect other government agencies if one of your offices could be hacked?” tanong ng senador.\

Kinumpirma ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na ang disaster risk management website ay iligal na na-access. Ipinaliwanag ni Dy na ang website ay bukas para sa mga upload dahil dito ina-upload ang mga field report, lalo na sa panahon ng disaster ay pumapasok. Sinigurado niya sa senador na naayos at hinigpitan na ang security mechanism nito. (Senate Public Relations and Information Bureau)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -