29.9 C
Manila
Martes, Hulyo 8, 2025

Gatchalian: EOPT Law isa sa mga pinakamalaking tagumpay ng 19th Congress

- Advertisement -
- Advertisement -

HABANG inihahanda ng Senado ang mga panukalang batas para sa 20th Congress, binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na isa sa pinakamahalagang tagumpay ng kanyang opisina sa 19th Congress ay ang pagpapasimple at pagiging mas episyente ng pagbabayad ng buwis.

Ginawang mas simple o mas madali ng Ease of Paying Tax (EOPT) Law, na isinabatas noong Enero 2024, ang pagbabayad ng buwis nang sa gayon ay mas madali ring sumunod o tumupad sa obligasyon ang mga taxpayer. “Pinasimple natin ang proseso ng pagbabayad ng buwis upang mas mapalakas din ang tax compliance ng ating mga kababayan at mapataas ang kita ng gobyerno,” pahayag ni Gatchalian, pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act 11976 o ang EOPT Act.

Sa ilalim ng batas na ito, isinulong ang file-and-pay-anywhere system na nagbibigay-daan upang maisagawa ang karamihan sa mga proseso sa pagbubuwis gamit ang online na mga plataporma. Inatasan din nito ang paggamit ng invoice system upang mapabuti ang proseso ng pagpaparehistro at upang mas mabilis na maibalik ang value-added tax (VAT) refunds.

“Inaasahan natin na makakamit ng gobyerno ang layunin nitong makakolekta ng mas maraming buwis para tustusan ang malalaking proyekto ng gobyerno kahit na walang ipinapataw na bagong buwis,” sabi ni Gatchalian, chairperson ng Ways and Means Committee.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -