25.3 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 7, 2024

Sec Angara suportado ang Bakuna Eskwela ng DoH

- Advertisement -
- Advertisement -
NAKIBAHAGI at nagpahayag ng suporta si Education Secretary Sonny Angara sa Bakuna Eskwela Kick-off ng Department of Health (DoH) na isinagawa noong Lunes sa Dr. A. Albert Elementary School sa Maynila bilang hudyat ng pagsisimula ng libreng bakunahan sa pampublikong paaralan ngayong Oktubre 2024.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Secretary Angara na ang edukasyon ay isang “shared responsibility,” na kung saan kinakailangang makaisa ang National Government, Local Government Units, at mga eskwelahan upang makamit ang buong potensiyal ng inisyatiba.
Binigyang-diin ni Sec. Angara na kailangang mabigyang proteksyon ang kabataan upang matiyak ang malusog at matagumpay na kinabukasan.
Ang Bakuna Eskwela ay kasama sa school-based immunization program na inilunsad ng DoH sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) sa layong mabigyan ng proteksyon ang kabataan (school-aged children) laban sa mga Vaccine Preventable Diseases (VPDs) tulad ng measles (tigdas), rubella (German measles), tetanus, diphtheria, at human papillomavirus (HPV).
Nagpasalamat si Sec. Angara kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa suporta niya programa na pinangunahan ni DoH Secretary Teodoro Herbosa, sa tulong ng mga opisyal at kawani ng DoH at DepEd; LGU CHO; Jhpiego Philippines; Jhpiego United States; Jhpiego India; Unicef Philippines; WHO; at iba pang mga development partners.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -