MASAYANG ibinalita ni Sentor Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pagkakalagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act kahapon, Okt. 8.
Aniya, “Ngayong araw, pinirmahan na ni President Bongbong Marcos ang SRDP Act, na magiging pundasyon ng ating sariling defense manufacturing industry.
“Sa batas na ito, isusulong natin na makagawa tayo ng sarili nating mga defense equipment, vehicles, at iba pang kagamitan, para hindi tayo nakaasa sa kung anong ibenta sa atin ng ibang bansa.
“Magbibigay ito sa atin ng kapanatagan laban sa mga sigalot sa loob at labas ng bansa.
“Bukod pa diyan, maaari rin tayong maging exporter ng mga gawang Pinoy na defense products.
“Maraming salamat kay President Marcos sa pagsasabatas nito.