26.1 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

Paano maiiwasan ang financial stress at mental disorder? 

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

UNCLE,  nag-attend pala ako ng electoral forum nung isang araw.

Anong pinagusapan nyo dun, Juan?

Naku, siyempre tungkol sa ano bang dapat nating gawin sa nalalapit na eleksyon. Sabi nga nung mga speakers dun, paano nga ba daw natin ibe-break ang cycle ng political dynasties? Kasi nga, ang dami daw mga pami-pamilya ang tumatakbo sa iba’t ibang puwesto. Para na nga raw family feud ang dating.

Bakit, Juan, hindi ba maganda yun?

Hindi talaga, Uncle. Kasi mawawalan ng check and balance sa mga desisyong nakakaapekto  sa publiko. Şaka parang inaangkin na ng mga pamilyang gusto ng kapangyarihan ang mga lugar na dapat buhay ang demokrasya at pantay-pantay ang mga oportunidad para sa lahat.


Sana ganyan mag-isip ang karamihan sa atın. Para makatulong sa tinatawag nga nating “breaking the cycle” ng maraming mali sa ating politika at sa sistema nito.

Katulad din sa larangan ng financial literacy. Paano nga ba natin ibre-break ang cycle ng kakulangan sa pera at epekto nito sa stress at mental health ng bawa’t Pilipino?

Marami sa atın ang laging nag-iisip tungkol sa pera, sa pagtaas ng presyo ng pagkain at gamot, sa laki ng interest na binabayaran sa mga utang, o sa walang kasiguruhan sa trabaho.

Ang resulta ay matinding stress, balisa sa pagtulog at yung iba pa nga’y nagkakaroon ng mental health illness tulad ng depression.

- Advertisement -

Sa isang pananaliksik sa Amerika, sınasabi na mga 46 porsiyento ng merong suliranin sa pera ay meron ding mental health diagnosis. At 86 porsiyento ng may mental health problems ay nagsasabing mas gumagrabe ang kanilang dinaranas sa mental health dahil sa financial issues.

Ayon naman sa isang survey sa Pilipinas, 70 porsiyento ng mga Pilipino ang namomoroblema sa mga utang at iba pang bayarin. Marami ang may takot sa mga financial issues, partikular na sa kahırapan sa pagkakaroon ng ipon at pera para sa retirement.

Sa ating bansa, ang pagtaas ng kaso ng mental disorders ay mga 11 porsiyento na umaangat ng 2 porsiyento kada taon at nakakaapekto sa 7 hanggang 12 milyong Pilipino na may mental disorders mula nung taong 1990 hanggang 2019. Anxiety at depression ang karaniwang sakit at ang weak to poor financial situation ang isa sa mga dahilan.

Paano kaya natin mabre-break ang  cycle ng financial stress at pagandahin natin ang ating mental well-being?

Paano mo din maiiwasan ang pakiramdam na parati kang kulang, walang pera o di kaya’y parang walang katapusan ang bayarin?

Una, iwasan ang mga monthly installment sa credit card. Kadalasan, feeling mo marami kang pera kapag wala kang nilalabas na malaki at paunti-unti mong  binabayaran kahit pa umabot ng 12 o 24 months. Kahit pa sabihin nating zero interest ang monthly installment, mas maganda pa ring bayaran ng buo na naaayon sa budget mo.

- Advertisement -

Pangalawa, bago mag-grocery, maglista ng mga kailangang bilhin at mag-stick sa listahan o sa budget. Pag nasa grocery  na, huwag kang sumobra sa nilista mo kasi dyan kadalasan ang problema kapag nabudol ka ng mga ibang bagay na hindi mo naman kailangan.

Pangatlo, yung mga akala natin ay maliit na subscription fees ng cable, Netflix, Spotify, o mga video streaming charges, pag pinag-samasama, malaki rin ang halaga kada buwan. Yung mga food delivery at online shopping delivery charges, late charges at membership fees sa credit card, at kahit yung mga pag-Starbucks o coffee araw-araw, lahat yan pag sinuma-total ay mahal din. Ilista mo Ito lahat at piliiin mo kung anong puedeng ibawas. Lahat ito ay mga ugali o habits na puwedeng mabago para makagaan sa budget at makatulong sa pag-ipon.

Pang-apat, iwasan ang  impulse spending o iyong mga gastos na wala sa plano o budget. Malulubog ka sa utang dito. Huwag masyadong mahulog sa mga pinapakita sa social media na nangaakit para ikaw ay bumili at gumastos. Siguro isarado mo muna ang mga mata mo sa social media at magdetoxify paminsan-minsan para na rin yung physical at mental wellness.

Panglima, balikan mo ang basics ng spending, saving, budgeting, pagbabayad ng utang, paghahanda sa emergency o financial na krisis at ang pagtupad ng iyong financial goals. Ang pagkakaroon ng financial discipline at kaalaman ay ang tunay na katapat ng kawalan ng financial stress sa buhay.

At panghuli, sana magkaroon talaga ng reforma sa edukasyon at access sa economic opportunities tulad ng trabaho at negosyo. Malaki ang hamong hinaharap ng education sector, katulad na lamang sa pagbabasa na kung saan sa buong Asya, tayo ay sadyang kulelat na sa kapasidad ng ating mga bata na makapagbasa at makapagbasa ng tama at mahusay. Ang financial stress ay dulot ng maraming factors at ang pinakamatindi ay ang kahirapan o poverty. Ang tanging solusyon para sa mas magandang kaledad ng buhay ng bawa’t Pilipino ay mabuting edukasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -