34.9 C
Manila
Lunes, Abril 28, 2025

ICLE 2024 kinilala ang angking kakayahan at kakanyahan ng mga IP sa pangangalaga ng kanilang sariling wika at kultura

- Advertisement -
- Advertisement -
MATAGUMPAY na naganap ang ikalawang Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika 2024 na may temang “Pagbibigay-lakas sa mga Katutubong Mamamayan tungo sa Pagpapasigla ng mga Wika” sa Philippine Normal University mula Oktubre 9 -11, 2024.
Tampok sa unang araw ng kumperensiya ang Pamaksang Tagapanayam na si Victoria Tauli-Corpuz, executive director ng Tebtebba.
Sa plenaryong sesyon, tampok ang talakay hinggil sa Estado ng mga Nanganganib na Wika sa Pilipinas at Programa sa Pagpapasigla ng Wika ni KWF Tagapangulo Arthur Casanova, PhD
Sinundan ito ng Lumalaking Network ng Pagpapasiglang Pangwika sa Kabila ng mga Hanggahan ni Anne Belew, PhD, executive director  ng Endangered Languages Project. Mayroon ding 12  papel-pananaliksik sa parellel na sesyon sa unang araw.
Tampok sa ikalawang araw sa plenaryong sesyon ang talakay hinggil sa sumusunod na paksa:
– Pagtuturo ng mga Katutubong Kaalaman ni Marites Gonzalo, Direktor, IP Education Ministry ng Malita Takaulo Mission.
– Pagsasalin ng Bibliya bilang Paraan ng Pangangalaga ng Wika ni Frederick Barcelo mula sa Bugkalot Bible Translator
– Hinilawod Epic Chant Recording ni Felipe Jocano, Asst. Professor sa Departamento ng Antropolohiya, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman at Lordjane Caballero-Dordas, PhD, Teacher III mula sa Mahunodhunod Elementary School
– Pag-a-archive ng mga Wika (Language Archiving) ni Siripen Ungsitipoonporn, PhD, Associate Professor mula sa Research Institute for Languages and Cultures of Asia (RILCA), Mahidol University, Thailand.
May walong papel-pananaliksik naman sa parallel na sesyon sa ikalawang araw.
Ngayong Biyernes, tinalakay ni UP Associate Professor Tuting Hernandez ang kanyang plenary talk na “Quo Vadis: Muling Pagsipat sa Diskurso ng Panganganib at Pagpapasigla ng mga Wika sa Pilipinas.
Sinamahan si Hernandez ng Instructor na si JM De Pano at Teaching Associate na si Patricia Asunción sa kanilang presentasyon na The Katig Collective: Mga Tunguhin sa Unang Pagpalaot

Samantala, tinalakay ni Brian Salvador Baran ang Pagsusuri at Dikotomiya ng =y at sing sa Linawis na Varayti ng Bantayanon bilang Inobasyong Dulot ng Language Contact.

Kalahok sa kumperensiya ang tinatayang 230 mga guro at mananaliksik mula sa iba’t ibang mga institusyon, mga kinatawan, lider, at IPMR ng mga katutubong pamayanang kultural, at mga kawani ng mga Lokal na Pamahalaan mula sa iba’t ibang lalawigan.
Ang International Conference on Language Endangerment (ICLE 2024) ay sama-samang itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Language Study Center ng Philippine Normal University (LSC-PNU), Departamento ng Linggwistika ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UP-Lingg), at Departamento ng Filipino ng De La Salle University (DLSU-Filipino). Ito ay tatlong araw na in-person na kumperensiya na magsisilbing venue para sa mga eksperto, iskolar ng wika, mananaliksik-wika, at mga miyembro ng katutubong pamayanang kultural upang magbahaginan ng mga pag-aaral at karanasan, at magpalitan ng idea sa pagtugon sa mga isyung may kaugnayan sa panganganib ng wika.
Layunin ng ICLE 2024 na mabigyang-lakas at kakayahan ang mga katutubong mamamayan o indigenous peoples (IP) sa pamamagitan ng kanilang pakikisangkot sa pagbuo ng mga patakaran, programa, at pananaliksik para sa pangangalaga ng kanilang wika.
Kinikilala ng ICLE 2024 ang angking kakayahan at kakanyahan ng mga IP sa pangangalaga ng kanilang sariling wika at kultura. Sa International Decade of Indigenous Languages (IDIL) 2022-2032 Global Action Plan (GAP), tinukoy ang mga IP bilang isa mga key targets na pangkat na mahalagang maisangkot sa mga gawaing pangwika. Bilang mga IP, sila ang mangunguna sa pagbabago, sila ang may karapatan at tungkulin na magsalin o magtransmit ng kanilang mga wika sa susunod na henerasyon. Ngunit hindi nila ito magagawang mag-isa kung walang tulong mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, institusyon, organisasyon, eksperto, mananaliksik, at iba pang entidad.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -