KAUGNAY sa pangangalanga ng likas na yaman at kaalaman sa mga protected areas, nagsagawa ang Metropolitan Environmental Office (MEO) – East ng isang capacity building ukol sa Urban Biodiversity at National Integrated Protected Areas System Act of 1992.
Inilahad ni Las Piñas-Parañaque Wetlan Park (LPPWP) Protected Area Superintendent Christopher Villarin ang paksang Urban Biodiversity na kanyang ibinahagi ang mga kinakaharap o banta sa biodiversity sa siyudad ng Metro Manila at kung bakit sinimulan ang National Greening Program at Manila Bay Rehabilitation Program sa rehiyon.
Ibinagi naman ni Assistant PASu Diego Montesclaros ang kahalagahan ng Republic Act 11038 o kilala bilang Expanded National Integrated Protected Areas System Act na naglalayong palawigin at pagtibayin ang mga regulasyon upang mapanatili ang mga protected area sa bansa.
Batid ni OIC Director Engr. Virgilio Edralin Licuan ng MEO East ang kahalagahan ng pagsasanay na ito sa kanilang tanggapan lalong lalo na sa Enforcement Team nito na sumasaklaw sa implementasyon ng mga batas at regulasyon sa kalikasan, partikular sa siyudad ng Quezon, Marikina at Pasig.