25 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 7, 2024

La Union SPED teacher, handog ay serbisyo-publiko para sa mga mag-aaral

- Advertisement -
- Advertisement -

“I believe that being a teacher is a superpower, and I want to continue serving so that every Filipino child could dream big, just like me. Allow them to ignite the fire in them, because we believe that they can.”



Para kay Jasmine Sibayan, 27 taong gulang at isang Special Education (SPED) Teacher ng San Fernando City SPED Integrated School, tadhana ang nagdala sa kanya sa propesyon ng pagtuturo. Kahit na hindi sigurado sa kanyang nais simula pagkabata ay natagpuan niya ang kanyang tunay na misyon sa paghubog ng mga kabataan kabilang ang mga may special needs.

Ibinahagi niya na bata pa lamang siya ay tila inilatag ng Diyos ang kanyang landas patungo sa pagiging SPED teacher. Nagkaroon siya ng isang deaf na kaibigan noong Grade 1 na si Angelo at nag-practice teaching sa Baguio SPED Center noong siya ay nasa kolehiyo.



“Naniniwala akong ‘di naman sa lahat ng oras dapat alam natin kung anong gusto nating maging ang importante ay magawa natin ang layunin na ating gusto, sa akin ay ang magsilbi sa iba,” ani Teacher Jasmine.

Isa sa pagsubok na hinarap niya bilang isang SPED teacher ay ang pakikipag-communicate sa kanyang estudyante dahil hirap siyang mag-sign language. Ngunit dahil sa kanyang pagpupursige at patuloy na pagsasanay, kasama ang suporta ng kanyang mga mag-aaral ay natutunan niya ito nang mabilis at mas lalong naunawaan ang mga bata.

Dagdag pa niya na inaaral niya rin ang ugali at characteristics ng kanyang learners para mapakibagay sa kanila, “I treat them with fairness kaya differentiated instruction ang kailangan. Every grade level iba po ang style. What I usually do is be connected to them on a personal.”

Sa kanyang walong taon bilang isang guro, umani na si Teacher Jasmine ng mga parangal at pagkilala tulad ng pagiging isa sa Outstanding Teaching Personnel sa 2024 Gawad Lam-ang ng DepEd-Region I at Outstanding Public School Teacher ng La Union Provincial Government.

Inspirasyon niya sa pagiging mahusay bawat araw ang lahat ng mga kabataang Pilipino at ang kanyang umaong ama na nagpaalala sa kanya na laging magpatuloy kahit ano pa man ang mga pangyayari.

Aniya, higit sa pagiging mahusay ay importante rin na mapagmahal, determinado, at tapat ang mga SPED teacher, “Dahil kung ang guro ay mapagmahal, buong puso niyang tatanggapin ang mga responsibilidad, kung determinado ay kahit ano pang pagsubok ay malalagpasan, at kung tapat at patuloy na makakapagbigay ng serbisyong bayan muna bago ang sarili.”

Mga larawan mula kay Bb. Jasmine Sibayan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -