30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Clearing operations sa Mogpog, patuloy na isinasagawa ng DPWH Marinduque

- Advertisement -
- Advertisement -

TULOY-TULOY pa rin ang pagsasagawa ng clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Marinduque sa bayan ng Mogpog sa lalawigan ng Marinduque na naging sanhi ng mga landslide matapos maramdaman ang hagupit ng Bagyong “Kristine” ngayong Miyerkules, Oktubre 23.

Isa sa mga lugar na naapektuhan ay ang Brgy. Tarug, kung saan nagkaroon ng landslide sa ilang bahagi ng kabundukan kung kaya agad na nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng DPWH upang madaanan ng mga sasakyan.

Maliban dito, naapektuhan din ang kalsada sa Brgy. Capayang ng nasabi ring bayan na siyang daanan patungong Balanacan Port kung kaya pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na gamitin ang Candahong-Capayang Road patungo sa pantalan.

Larawan kuha ni Angie Perilla/Marinduque News Network

Ayon sa DPWH MIMAROPA, tumaas din ang lebel ng tubig sa ilog na sakop ng Sitio Tabag, Brgy. Sumangga habang binaha naman ang bahagi ng Brgy. Laon na parehong nasa Mogpog dahil sa walang tigil na buhos ng ulan.

Samantala, nagtumbahan naman ang mga puno at poste ng kuryente sa ilang bahagi ng Brgy. Lipa sa bayan ng Santa Cruz dulot ng landslide na agad din inaksiyunan upang linisin ng DPWH at ng Marinduque Electric Cooperative (Marelco) para muling madaanan ng mga sasakyan at maibalik ang linya ng kuryente sa mga karatig bayan. (DN/PIA MIMAROPA-Marinduque)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -