29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

OVP-DOC,naghahanda na para sa relief operations

- Advertisement -
- Advertisement -
KASALUKUYAN nang ginagawa ng Office of the Vice President Disaster Operations Center (OVP-DOC) ang planning and coordination sa iba’t ibang mga Local Government Units ng mga apektado ng Typhoon Kristin.
Sa kasalukuyan, ang OVP _ Bicol Satellite Office ay naghahanda na ng hot meals para sa mga rescuers, responders at mga apektadong pamilya. Ang OVP – Cebu, Bohol at Siquijor Satellite Office naman ay magsasagawa na din ng paghahanda ng hot meals para sa mga stranded passengers sa pantalan.
Ang OVP – Pangasinan Satellite Office at  OVP – Cagayan Valley Satellite Office naman ay may naka-posisyon nang mga Relief Boxes para sa maapektuhan din ng bagyo sa kanilang nasasakupan.
Habang nagsasagawa ng coordination ang OVP-DOC, ginagawa na din ang repacking ng mga relief items upang ihatid sa mga apektadong lugar sa Visayas at Southern Luzon.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -