26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Health Sec Herbosa nagpadala ng HERTs sa mga evacuation centers sa Bicol region

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGDEPLOY ang Department of Health (DoH) ng Health Emergency Response Team (HERTs) sa mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Matnog Port at iba pang lugar na lubhang apektado ng Tropical Storm Kristine.
Sa pahayag naman ni Sec. Ted Herbosa, nakahandang rumesponde ang tatlong DoH Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sakaling kailanganin pa ng karagdagang emergency team habang papalapit ang bagyo sa kalupaan.
Bihasa sa pagsasagawa ng serbisyong medikal ang DoH PEMAT sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo at lindol. Kumpleto rin sa water, sanitation, and hygiene (WASH) facility ang grupo para sa outpatient care.
Binubuo ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (PEMAT Metro Manila), Jose B. Lingad Memorial General Hospital (PEMAT Luzon), at Eastern Visayas Medical Center (PEMAT Visayas) ang mga itinanghal na PEMAT ng World Health Organization (WHO), na handa at sinanay na rumesponde sa mga domestic at international deployment.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -