30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Pangandaman, inaprubahan ang P454 M para sa 2nd batch ng medical vehicles ng DoH

- Advertisement -
- Advertisement -
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Authority to Purchase Motor Vehicle (APMV) na nagkakahalaga ng P454 milyon para sa Department of Health (DoH) upang mapalakas ang healthcare system ng bansa.
Inaprubahan ang APMV para sa procurement ng 173 units ng motor vehicles na nakalagak sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng DOH sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA).
Layon ng HFEP na tugunan ang healthcare delivery gaps at gawing mas accessible ang mga pasilidad at serbisyo ng bansa.
“The purchasing of additional medical vehicles will surely augment the ongoing structural enhancements of our healthcare system.
Sinusuportahan po natin ang hangarin ni Pangulong Bonbong Marcos na bigyang-prayoridad ang pagpapalakas sa ating mga health facility para makapagbigay ng mas mahusay at maasahang serbisyo sa ating mga kababayan,” pahayag ni Secretary Mina.
Popondohan ng APMV ang procurement ng 161 units ng Land Ambulance, 2 units ng Mobile Primary Care Facility (Mobile Clinic), 4 units ng Sea Ambulance, 4 units ng Passenger Van, 1 Van (Patient Transport Vehicle), and 1 Van (Mobile Blood Donation Van).
Sakop ng APMV ang second batch of mga sasakyan, kasunod ng first batch na may 141 units sa ilalim ng APMV na inisyu noong ika-11 ng Hunyo 2024.
Inaprubahan ni Sec. Pangandaman ang latest APMV noong ika-17 ng Oktubre 2024.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -