NAGSIMULA na ang clearing operations ng Philippine Red Cross upang maitabi mula sa daan ang mga sasakyang nalubog sa baha at nakahambalang sa highway ng Milaor tungong Naga, Camarines Sur. Isa ito sa mga pina-prioridad ni PRC Chairman Dick Gordon upang tuloy tuloy na makapasok ang mga gamit na pangtulong sa bayan ng Naga na lubos na naapektuhan ng bagyong Kristine.
Kasama ng 18 Red Cross ERU personnel and 38 na mga volunteers na binubuo ng mga miyembro ng PNP, mga residente at mga paseherong stranded na nagprisintang tumulong na magtulak at magbuhat ng halos limang kilometrong haba ng mga sasakyang nakabara sa daan.
Pinapurihan at pinasalamatan ni Chairman Dick Gordon ang mga tumutulong sa pagbubuhat at pagtutulak ng mga sasakyang hindi biro ang bigat at laki. Sabi pa niya, mas pinadadali talaga ng pagtutulungan ang anumang gawain lalo na kung ito ay para sa ikububuti ng mas nakararami.