SANIB-PUWERSANG nagkasa ng relief operations ang mga opisina ni Senator Idol Raffy Tulfo, ng kanyang maybahay na si ACT-CIS Partylist Congw. Jocelyn Tulfo at Cong. Ralph Tulfo para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine, partikular na ang mga kababayan natin sa Bicol region.
Patuloy pa rin sa pagtutulong-tulong ang mga staff at volunteers upang i-repack ang mga relief goods na may laman na limang kilong bigas, noodles, biskwit, tinapay, kape, gatas at mga de lata.
Nakatakdang i-turnover ang mga relief packs sa logistics team ng Philippine Coast Guard kasama ang Senate Staff ni Sen. Tulfo bukas, October 26, para dalhin at ipaabot sa mga kababayan nating apektado ng bagyo sa Bicol.