26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Bilateral luncheon nina Deputy Prime Minister Sainbuyan Amarsaikhan at VP Sara

- Advertisement -
- Advertisement -
MAINIT na tinanggap ni Vice President Sara Duterte si Sainbuyan Amarsaikhan, deputy prime minister ng Mongolia sa Office of the Vice President sa Mandaluyong City.
Sabi ng Vice President, “Isang karangalan na tanggapin si H.E. Sainbuyan Amarsaikhan, Deputy Prime Minister ng Mongolia sa Office of the Vice President noong nakaraang buwan.
Ito ang unang pagkakataon na bumisita siya sa ating bansa upang dumalo sa 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na ginanap sa Lungsod ng Pasay.
“Masaya at makabuluhan ang aming pag-uusap na nakasentro kung paano mas mapapaunlad ang bilateral relations ng ating mga bansa. Ngayong taon pinagdidiriwang natin ang ika-51 taon ng bilateral relations ng bansang Pilipinas at Mongolia.
“Nagpasalamat rin tayo sa ipinakitang malasakit ng kanilang bansa para sa ating mga kababayang naroon. Sa katunayan, sinabi niya na nais nilang mas marami pang Pilipinong bumisita sa kanilang bansa.
“Maraming salamat sa pagbisita H.E. Sainbuyan Amarsaikhan sa Office of the Vice President at sa imbitasyon na bumisita sa inyong bansa.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -