BILANG pangunahing may akda ng dalawang mahalagang batas patungkol sa ating teritoryo at karapatan sa West Philippine Sea, madiin ang aking paninindigan kasama si Pangulong Bongbong Marcos na dapat lang nating protektahan ang ating karagatan.
Ang mga batas na ito ang siyang magbibigay linaw, diin, at mukha sa nakamit nating tagumpay noong 2016 Hague Arbitral Ruling kung saan pumabor sa Pilipinas ang desisyon na teritoryo natin at wala nang iba pa ang West Philippine Sea.
Para sa ating mga anak, at sa kanilang magiging mga anak. We will #StandTol with our claim of the West Philippine Sea.