25.3 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

Sen Cynthia Villar nakiisa sa DSWD sa pamamahagi ng tulong sa mga senior citizen

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG ibinalita ni Senador Cynthia Villar na nakiisa siya sa paghahatid ng tulong sa mga senior citizens katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Aniya, “Isang karangalan ang maging katuwang ng DSWD sa paghahatid ng tulong para sa ating mga senior citizens.
“Malaki ang kanilang pangangailangan lalo na sa health kaya’t ibinalita rin po natin sa kanila na ang lahat ay member na ng Philhealth. Kaya maari nilang idemand ang kanilang entitlement pagdating sa medical assistance. Ibinida na rin natin ang Las Piñas General Hospital na isa na sa pinakamalaking ospital dito sa South na ipinagawa ng pamilya Villar at ngayon ay nai-turnover na sa DOH (Department of Health).
“Mas lalo pa po natin itong pinalaki from a 200-bed capacity to a 500-bed capacity hospital. Lahat po ng Las Piñeros bukod sa seniors ay makikinabang dito.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -