26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

Higit 1,500 pamilya sa Virac, Panganiban nahatiran ng malinis na inuming tubig ng MMDA

- Advertisement -
- Advertisement -

MAHIGIT 1,500 pamilya mula sa munisipalidad ng Virac at Panganiban sa Catanduanes ang nahatiran ng malinis na inuming tubig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Tumulak kamakailan ang humanitarian team ng MMDA sa Catanduanes upang maghatid ng malinis na inuming tubig sa mga pamilyang nasalanta ng super typhoon Pepito.

Ayon sa MMDA, umabot sa 4,230 galon ng tubig ang nalinis ng grupo para maipamahagi sa 1,555 pamilya sa Barangay Balite at Hawan Grande sa Virac habang 2,165 galon naman ang naipamigay sa 328 pamilya sa Barangay Alinawan at San Antonio sa Panganiban.

Tumungo kamakailan ang 15-man humanitarian team na binubuo ng mga tauhan ng MMDA Public Safety Division at Road Emergency Group, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dalhin ang mga solar-powered water filtration system ng ahensiya sa Catanduanes para tulungan ang mga residente doon. (JEG/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -