26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

NWPC pinagtibay bagong patakaran sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Zamboanga

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAGTIBAY ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Nobyembre 22, 2024 ang Wage Order No. RBIX-23 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IX, na nagtataas ng 33 pesos sa arawang minimum na sahod sa pribadong sektor sa Zamboanga Peninsula. Nakatakdang magkabisa ang bagong wage order sa 12 Disyembre 12, 2024. Tataas ang bagong arawang minimum na sahod sa rehiyon mula P381 ng P414 sa non-agriculture sector kabilang ang mga service at retail establishment na may 10 o higit pang manggagawa, at P368 ng P401 sa agriculture sector kabilang ang service at retail establishment na may 1 hanggang 9 na manggagawa.

Sektor/Industriya Minimum na Sahod sa ilalim ng Wage Order No. RIX-22 Dagdag na Sahod Bagong Minimum na Sahod

(Kapag epektibo na)

Non-Agriculture ₱381.00 ₱33.00 ₱414.00
Service/Retail Establishments na may 10 manggagawa at higit pa
Agriculture ₱368.00 ₱401.00
Service/Retail Establishments na may 1-9 na manggagawa

 

Sa pagpapatibay ng wage order, ipinahayag ng NWPC na sinunod ng RTWPB IX ang pamantayan sa pagtukoy ng pagtaas ng sahod sa ilalim ng Republic Act No. 6727, kabilang ang mga pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya, kapasidad ng mga employer/industriya na magbayad, at ang mga kinakailangan para sa ekonomiya at panlipunang pag-unlad sa rehiyon.

Inaasahan na direktang makikinabang sa wage order ang 95,990 manggagawang tumatanggap ng minimum na sahod sa rehiyon. Humigit-kumulang 129,607 na full-time wage and salary worker na kumikita ng higit sa minimum na sahod ang maaari ding makinabang bilang resulta ng pataas na pagsasaayos ng sahod sa antas ng negosyo na nagmumula sa pagwawasto ng wage distortion.

Kaugnay nito, inatasan ng NWPC ang RTWPB IX na magsagawa ng information campaign upang tiyakin ang pagsunod at magbigay ng kinakailangang tulong sa mga negosyo sa pagwawasto ng wage distortion alinsunod sa NWPC Advisory No. 01, Series of 2023. Inatasan din ang Board na magpatupad ng mga programa sa pagpapahusay ng produktibidad at gainsharing scheme upang suportahan ang pagtaas ng sahod, lalo na sa mga lugar na may mababang produktibidad.

Gaya ng anumang wage order, at tulad ng itinakda ng NWPC Omnibus Rules on Minimum Wage Determination, maaaring mag-aplay ng exemption mula sa pagtaas ng sahod ang mga retail/service establishment na may regular na manggagawa na hindi hihigit sa sampu (10), at mga negosyong naapektuhan ng natural na kalamidad sa RTWPB.  Hindi saklaw ng batas sa minimum na sahod ang mga Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) alinsunod sa Republic Act No. 9178 [2002]. Para sa aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw sa wage order, maaaring makipag-ugnayan sa RTWPB sa pamamagitan ng email address: [email protected].

Sa kasalukuyan, may sampung (10) wage order ang pinagtibay ng Kagawaran para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Region NCR, I, II, III, IVA, VI, VII, VIII, IX at XII. Dagdag pa rito, apat (4) na wage order ang inisyu para sa mga kasambahay sa Region I, II, VI at VIII. Pinasimulan ang lahat ng wage order ng motu proprio.

Para sa iba pang natitirang mga rehiyon, ang RTWPBs CAR at IV-B ay nasa huling yugto na ng proseso ng pagtukoy sa minimum na sahod. Sinimulan naman ng RTWPBs X at XIII nitong Nobyembre 2024 ang nasabing proseso ng pagtukoy sa minimum na sahod, habang nakatakdang magsimula sa Enero 2025 ang RTWPB XI, samantalang ang RTWPB V ay nagpasyang ipagpaliban muna ang proseso dahil sa naging epekto ng Super Typhoon Kristine habang patuloy na susubaybayan at susuriin ang kondisyon sa pagbawi ng ekonomiya sa rehiyon sa susunod na tatlong buwan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -