NASA mga kamay ni Pangulong Ferdinand Marcos Marcos Jr. ang desisyon kung bibigyan nito ng executive clemency si Mary Jane Veloso, ang Pilipinang biktima ng illegal recruitment na nakulong ng halos 15 taon sa Indonesia dulot ng pagkakadiskubre ng 2.6 kilong ipinagbabawal na gamot sa kanyang bagahe.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, hahayaan nya sa pagpapasya ng mga abogado na pag-aralan ang panawagan para sa clemency ni Mary Jane isang araw matapos syang dumating sa Pilipinas.
Nasa “very preliminary stage” pa ng paglipat ng kustodiya ni Mary Jane mula Indonesia patungo sa Pilipinas at “malayo pa tayo doon,” ayon sa Pangulo kaugnay ng pagbibigay ng clemency isang araw matapos dumating ni Mary Jane sa bansa.
“We still have to have a look at really what her status is. Of course, we’re aware of the request for clemency from her representative, of course, and from her family. We leave it to the judgment of our legal experts to determine whether the vision of clemency is appropriate,” ayon sa Pangulo.
Dahil nasa kustodiya na ng pamahalaan ng Pilipinas si Mary Jane, tuluyan na itong naligtas sa parusang kamatayan dahil walang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Isa pa, nangangahulugan na ang paglilipat ng kustodiya mula sa pamahalaan ng Indonesia patungo sa pamahalaan ng Pilipinas na nasa pagdedesisyon na ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpaparusa, pagpapababa ng parusa o pagpapalaya kay Mary Jane.
Ipinaliwanag ng Merriam-Webster, ang clemency sa Pilipinas. Ayon dito, ang kapangyarihang magpatawad ay isang mahalagang aspeto ng ehekutibong awtoridad na ipinagkaloob sa Pangulo ng Pilipinas. Ang kapangyarihang ito ay nagbibigay-daan sa Pangulo na magbigay ng clemency (awa) sa mga indibidwal na nahatulan ng mga krimen, na nagpapagaan sa mga kahihinatnan ng kriminal na pananagutan.
Ayon naman sa probation.gov.ph, ang commutation of sentence, conditional pardon, o absolute pardon ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng executive clemency base sa rekomendasyon ng Board.
Nangangahulugan ang commutation of sentence na paigsiin ang sentensya.
Ang conditional pardon naman, nangangahulugan ito na mabibigyan ng conditional exemption ang isang nagkasala sa parusang inihatol ng isang korte.
Sa kabilang banda, ang absolute pardon ay tuluyan nang mapapawalang-sala ang isang indibidwal nang walang ano mang kondisyon at ibabalik ang lahat ng kanyang karapatan.
Kondisyon ng clemency
May mga kondisyon ang batas kung kailan maaaring makapagpetisyon ang isang bilanggo ng clemency.
Para sa commutation of sentence, maaari itong hilingan kung nabuno na ng isang bilanggo ang 1/3 ng kaniyang sentensya; o kalahati ng minimum ng indeterminate o aggregate minimum ng kanyang indeterminate prison terms; o 10 taon para sa mga bilanggo na nasentensyahan ng isang reclusion perpetua o isang life imprisonment para sa mga krimeng hindi kabilang sa Republic Act No. 7659 at iba pang special na batas.
Maaari rin ito sa mga bilanggo na nakapagsilbi na ng di bababa sa 13 years ng kanilang indeterminate and/or definite prison term na inadjust sa definite prison term na 40 taon base sa probisyon ng Artikulo 70 ng Revised Penal Code.
Pwede rin ito sa mga bilanggo na nakulong na ng di baba sa 15 taon dahil sa heinous crimes na binaggit sa RA 7659 na naganap mula o matapos ang Enero 1, 1994 at nahatulan ng isang reclusion perpetua o isang habambuhay na pagkakabilanggo.
Maaari ring mabigyan ng commutation of sentence kung nabuno na ng isang bilanggo ang 18 taon man lamang kung sya ay may parusang reclusion perpetua o life imprisonment dahil sa paglabag sa RA 6495 as amended o ang “The Dangerous Drugs Act of 1972” o RA 9165 “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” at para sa kidnapping for ransom, or paglabag sa mga batas laban sa terorismo, plunder at transnational crimes.
Kung ang isa namang bilanggo ay nakapagsilbi na ng di bababa sa 20 taon sa kanyang sentensya na dalawang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo kahit na inadjust sa definite prison term na 40 taon batay sa probisyon ng Artikulo 70 ng Revised Penal Code, as amended, maaari na rin itong maghain ng petisyon para sa commutation of sentence.
Kung ang isang bilanggo naman ay nahatulan ng kamatayan at awtomatiko itong napababa sa reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo at sya nakakulong na ng hindi bababa sa 25 taon, maaari na rin syang maghain ng petisyon para sa commutation of sentence.
Ibinibigay naman ang absolute pardon kung nabuno na ang parusa sa kanya, o nabigyan ng final release at nadischarge o nabigyan ng court termination of probation ang isang bilanggo.
DOJ pwedeng magrekomenda ng clemency
Sa isang pahayag ni Undersecretary Raul Vasquez sa isang kilalang pahayagan, sisnabi nitong walang nakikita ang Department of Justice (DOJ) na problema para hindi mabigyan ng clemency si Mary Jane.
Aniya, ang DOJ ang isa sa mga maaaring magrekomenda sa Pangulo kung ano ang susunod na hakbang para kay Mary Jane.
Dagdag pa nya, marami iba pang persons deprived of liberty (PDLs) ang nakatakdang mabigyan ng clemency.