Uncle,ok lang ba na hindi umuwi sa Pinas ang isang OFW kapag Pasko?
Bakit mo natanong yan, Juan?
Eh kasi Uncle, yung pinsan ng kaibigan ko, iniiwasan daw na umuwi pag Pasko kahit na miss na miss nya ang kanyang pamilya.
Bakit daw?
Kasi ubos na ubos daw ang pera niya tuwing umuuwi. Ang tingin sa kanya ay Santa Claus na magbibigay ng regalo sa lahat. Nagtatampo daw yung iba pag wala. Nagpapapiyesta daw talaga ang pamilya nya at sya ang taya. Kadalasan nga daw ay nangungutang pa yun kasi bankarote daw talaga bago bumalik sa trabaho nya.
Totoo yan, Juan. Nakakaawa nga ang mga OFW natin. Hirap na hirap kumita ng pera sa ibang bansa. Tapos ubos biyaya lang sa mga pamilya nila na ang tingin sa kanila ay parang may balon sila ng kwarta at walang ibang obligasyon kundi pasayahin ang kanilang pamilya kahit na limitado lang naman ang panggastos.
Ano ba ang puede nating maipayo sa mga OFW at sa mga pamilya nito para naman hindi magsawa ang mga OFW na umuwi sa mga panahong gusto rin naman nilang makapiling ang kanilang pamilya at magcelebrate sa kapanganakan ni Hesus.
Sa mga pamilya ng OFW, puede kayang gawin nating mas MASAYA ang pagbisita sa atin ng ating OFW na kamag-anak tuwing Pasko?
M-ag-ipon din para makatulong sa OFW. Dapat huwag naman puro sa OFW na kapamilya iasa ang gastusin tueing Pasko. Paglaanan din ng budget na makakatulong sa OFW.
A- huwag Abusihin ang kabaitan ng OFW. Totoo din naman na gusto ng OFW na magpasaya sa pamilya lalo na sa mga mahahalagang okasyon tulad ng Pasko. Pero huwag naman natin ipressure ang ating OFW na piliting gumastos na labis sa kanilang kakayahan.
S- implehan lang ang selebrasyon. Hindi naman dapat maging magarbo para sumaya ang pamilya. Basta magkakasama sa salu-salo, kahit gaano pa kasimple, tuloy ang ligaya.
A-butin lang ang kaya. Mahirap kumita ang OFW sa ibang bansa. Dapat maunawaan ng pamilya na malaki ang sinasakripisyo ng OFW at mahalagang makatulong na maiwasan ang paggastos ng labis-labis.
Y- abang ay iwasan. Natural lang na maging proud tayo sa OFW na kaanak. Pero hindi rin tama na magyabang ang kapamilya sa mas angat na kapasidad ng OFW na mag-“showcase” ng puede nitong ihanda, iregalo o ipamigay. Kawawa naman ang OFW na sumugal ng dugo’t pawis sa paghahanap-buhay sa abroad.
A- no ba talaga ang dahilan ng pagbabalik ng OFW? Dapat balikan natin ang natatanging rason bakit sila umuuwi. Sapat na ang maramdaman nila ang pagmamahal ng kanilang pamilya, kahit walang bonggang handaan, malaking regalo o maraming pera.
Sa OFW mismo, puede kayang maging mas MASAYA rin ang desisyong nilang umuwi?
M- agplanong mabuti. Importanteng planuhin ang pag-uwi tuwing Kapaskuhan para maiwasan ang mas mahal na ticket, pasalubong o ano pang gastusin.
A- gahan ang pagbili ng pasalubong ng paunti-unti. Mahirap mabigla sa pagsa-shopping ng iuuwing pasalubong. Kada buwan, lalo na kung may sale o discount, mas makakatioid sa paisa-isa ng bili.
S- aktuhin ang budget. Dapat may budget sa gastusin pag umuwi. Mag-stick sa budget at kontrolin ang gastos.
A- yusin ang paggastos at huwag magpapressure sa kapamilya. Pag hindi kaya, mag-“No” sa ano mang pilit o pambubudol ng kaanak.
Y- es sa pagiging resonable at hindi pabonggang selebrasyon. Kung ano lang ang kayang ihanda, dun lang tayo.
A- ng mas isipin ay ang kinabukasan at hindi yung ngayon na masaya at bukas ay nakatunganga. Laging isipin ang sakripisyong ginagawa para sa kapakanan ng pamilya. Darating din ang tamang panahon para sa mga pangarap na gustong tuparin.
O, Juan, batiin natin ng Masayang Pasko ang ating mga mahal na OFW!