28.9 C
Manila
Biyernes, Mayo 23, 2025

DBM, pinuri ang pag-usad ng Government Optimization Act matapos aprubahan ng Senado ang panukalang batas sa ikalawang pagbasa

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ng Department of Budget and Management (DBM), sa pangunguna ni Secretary Amenah “Mina” Pangandaman, ang pamunuan at mga miyembro ng Senado matapos nitong ipasa ang Senate Bill 890 o ang Rightsizing of the National Government sa ikalawang pagbasa.

“We commend the Senate, spearheaded by Senate President Chiz Escudero with the robust support of Senator Joel Villanueva, for their steadfast political will in advancing the Government Optimization Act. This crucial legislation seeks to enhance the functionality and efficiency of our government, ensuring that we can better serve the Filipino people and meet the challenges of the future,” ayon kay Secretary Mina.

Sa plenary session noong ika-5 ng Pebrero 2025, ipinasa ng Senado ang Senate Bill No. 890 bago mag-adjourn ang Kongreso para sa mid-term elections.

Patuloy na isinusulong ng DBM ang pag-apruba sa nasabing panukala, na kabilang sa mga priority bills sa ilalim ng Common Legislative Agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kasama rin ito sa mga panukalang batas na hinikayat ng Pangulo na ipasa ng mga mambabatas sa kanyang unang State of the Nation Address.

Layunin ng panukalang batas ang magtatag ng mas payat, epektibo, at tumutugon na workforce ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-optimize ng iba’t ibang departamento/ahensya upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Ang panukalang batas ay partikular na naglalayong gawing maigi ang operasyon ng gobyerno at pagbutihin ang kahusayan ng iba’t ibang ahensya nang hindi kinakailangang magbawas ng mga trabaho. Kung kinakailangan, ang pagpapalakas ng iba’t ibang entities ng gobyerno sa pamamagitan ng paglikha ng mga priority critical positions para sa epektibong pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin ay isusulong din.

Hindi rin kasama sa panukalang batas ang mga guro, sundalo, at iba pang uniformed personnel mula sa reporma.

Upang maisakatuparan ito, magtatakda ang panukalang batas ng pagsasagawa ng review o pagsusuri sa mga operasyon ng gobyerno para maisakatuparan ang kinakailangang structural reforms tungo sa mas mabuting paglilingkod sa bansa.

Kinatawan ng DBM sa isinagawang plenary deliberation sina Principal Economist Dr. Joselito Basilio, Director Gerald Janda, kasama ang mga kinatawan mula sa Department Liaison Unit, Legal Service, at Budget Information Legislative Service.

Buong suporta rin ang mga ahensya mula sa iminungkahing Committee on Optimizing the Executive Branch (COEB), kabilang na ang Anti-Red Tape Authority, National Economic Development Authority, at Civil Service Commission.

Naroon din ang mga kinatawan ng Governance Commission for Government-Owned and -Controlled Corporations (GCG) para ipinaliwanag ang mga kaparehong structural reforms na ipinatutupad sa mga GOCC batay sa kanilang charter.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -