28.8 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Mga dahilan kung bakit hindi natinag ang YOY inflation sa 2.9% at bahagyang bumaba ang MOM inflation noong Enero

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI natinag ang year-on-year (YOY) inflation sa 2.9% at bahagyang
bumaba ang month-on-month (MOM) inflation noong Enero. Ano-ano
ang mga nag-ambag dito?

Nanatili sa 2.9% ang YOY inflation sa unang buwan ng 2025 kahit bumaba nang bahagya ang MOM inflation.  Dahil dito, nag-average ng 3.2% ang YOY inflation sa buong taon ng 2024, pasok sa target range na 2-4% inflation ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Pasok din sa target range ang 3.0% na average core inflation ng 2024 na kung saan tinatanggal ang sa basket ang mga produktong magagalaw ang presyo. Ang core inflation ang ginagamit na saligan ng pag-aaral sa monetary policy stance ng BSP. (Table 1)

Umakyat ang YOY inflation ng pagkain mula sa 3.5% sa 4.0% dahil hindi pa nakakabawi ang mga sakahan at palaisdaan sa mga nasira ng bagyo.

Bumaba ang bigas sa -2.3%, ang pinakamababa nitong antas noong nakaraang taon. Itoý dahil sa pagtaas ng suplay na galing sa importasyon na pinalobo ng pagbaba ng taripa. Ngunit ang magandang epekto  ng pagmura ng bigas ay binaligtad ng pagmahal ng gulay, karne at isda na umakyat ng 21.1%, 6.4% at 3.3%, respectively.

Bumaba ang YOY inflation ng non-food items sa 2.2% na nag-offset sa pag-akyat ng presyo ng pagkain. Bumaba ang clothing and footwear (2.3% mula 2.4% noong nakaraang buwan), housing, water, electricity, gas and fuels (2.2% mula 2.9%) at household furnishings and maintenance (2.6% mula 2.7%).  Di gumalaw ang ang health (2.5%) at information and communication (0.2%). Ngunit umakyat ang transport ng 1.1% mula 0.9%.


Umakyat ng 4.3% ang presyo ng Dubai crude oil sa  US$78.16 kada bariles mula sa  US$76.07 noong Disyembre. Ngunit bumaba ang presyo nito kumpara sa US$78.86 noong Enero ng 2024.   Umakyat ang presyo noong Enero dahil sanctions ng USA sa Russia at Iran at sa pagtindi ng lamig ng winter sa malaking bahagi ng Northern Hemisphere.

Bamagal nang bahagya ang month-on-month (MOM)  inflation sa 0.5% mula sa 0.6% noong Disyembre.  Sumipa ang MOM inflation ng pagkain sa 1.1% mula sa 0.8% kahit na lumagapak ng -0.9% ang presyo ng bigas.

Dahil ito sa pagratsada ng presyo ng gulay (3.9%), karne (3.6%), at isda (2.0%).

Mula sa 0.4% noong Nobyembre, tumaas ito sa 0.6% noong Disyembre.  Nanatiling mataas ang inflation ng food sa 3.5% gaya noong nakaraang buwan dahil hindi pa nakakabawi ang supply. Pinakamalaking akyat sa inflation ang naitala sa Kahit panahon ng tag-ani, nanatiling mataas ang inflation ng gulay, bigas at isda, dahil  sinira ng malalakas na bagyo ang mga pananim at mga palaisdaan.  Bumawi  nang kaunti ang paghina ng inflation ng gatas na umakyat lang ng 0.1%, at asukal na bumagsak uli ng -0.1% gaya noong nakaraang buwan.

- Advertisement -

Sa non-food category naman,  Nahati ang MOM inflation sa 0.2% mula sa 0.4% noong Disyembre.  Nag-ambag nang malaki rito ang pagdapa ng transport sa 0.1% mula sa 1.2% at ang housing water, electricity, gas and other fuels na bumaba sa 0.1% mula sa  0.4%. Halos di gumalaw ang MOM inflation ng clothing and footwear (0.2%); health (0.2%);  information and communication (0.1%); at ang furnishings, household equipment, and routine maintenance (0.2%).

Dahil ang naitalang inflation ay sakop pa rin sa projected inflation range na 2-4%, inaasahang itutuloy ng Bangko Sentral ang planong pagtapyas  sa interest rates. Magkakaroon ng mild na La Niña sa unang quarter ng 2024 kaya maganda ito sa ani ng agrikultura. Ngunit nagbabadya ang madilim na panginorin  ang pagpasok ng bagong administrasyon sa United States (USA) na maaaring magtaas ng taripa sa lahat ng imports. Ang palitan ng pagtaas ng taripa ng malalaking mga bansa ang magiging mitsa ng panibagong pagtaas ng inflation sa mga advanced countries na mag-aambag sa muling pagsiklab ng aligamgam sa pandaigdigang merkado.    

CONSUMER PRICES
    In Percent  YEAR-ON-YEAR (YOY)   MONTH-ON-MONTH (MOM)
 
  Nov Dec Jan Nov Dec Jan
ALL ITEMS 2.5 2.9 2.9 0.4        0.6        0.5
           
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 3.4 3.4 3.8          1.0 0.8 1.1
    Food 3.5 3.5 4.0   1.0 0.8 1.3
       Rice 5.1 0.8 -2.3   -1.5 0.8 -0.9
       Meat 3.9 4.9 6.4   -0.2 1.5 2.0
      Fish 0.4 1.0 3.3   1.1 0.7 3.6
      Milk 2.9 2.4 2.4   0.3 0.2 0.1
     Vegetables 5.9 14.2 21.1   12.0 4.8 3.9
     Sugar -2.9 -2.7 -2.7   0.0 -0.1 -0.1
             
II. ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO     3.1 3.1 3.5   0.5 0.4 1.0
             
NON-FOOD 1.9 2.6 2.2   0.2 0.4 0.2
III. CLOTHING AND FOOTWEAR 2.7 2.4 2.3   0.1 0.1 0.2
IV. HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS 1.9 2.9 2.2   -0.2 0.4 0.1
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE 2.7 2.7 2.6   0.5 0.2 0.2
VI. HEALTH 2.6 2.5 2.5   0.2 0.2 0.2
VII. TRANSPORT -1.2 0.9 1.1   0.4 1.2 0.2
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION 0.2 0.2 0.2 0.0 0.0 0.1
Source: Philippine Statistics Authority

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -