27.3 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Saan ang biyahe mo?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

O, Juan, saan ang punta n’yo ng mga kaibigan mo ngayong taon?

Uncle, nagpa-plano kaming pumunta ng Japan. Maganda daw dun.
Wow, itapat n’yo na may cherry blossoms at yung makita n’yo ng malinaw ang Mt. Fuji.
Oo nga, Uncle. Kaya nga tumitingin na kami sa mga travel fair para mas mura.Tama yan. Hindi naman ito ang first time n’yong magbiyahe kaya sigurado akong marami na kayong natutunan lalo na pagdating sa mga bagay tungkol sa pera.
Uncle, kahit papaano, yung karanasan ko sa pagta-travel ay nagdulot din sa akin ng mga leksiyon para makatulong sa aking financial wellness ika nga.
Yan ang pag-usapan natin, Juan. Paano nga ba magdudulot ng personal growth at financial wellness ang pagta-travel sa iba’t ibang lugar sa mundo?
Ang ibig sabihin ng personal growth ay iyong pag-angat ng kapasidad, kaalaman at pagtingin ng isang tao sa kabuuang buhay. At ang financial wellness ay iyong pagbuti ng pinansiyal na aspeto ng buhay kung saan mas lumakas ang potensyal na magkaroon ng maraming pera at yumaman .
Sa ngayon, kung saan ang Instagram ay tadtad mg mga litrato ng mga kakaibang lugar sa mundo, nagbago na talaga ang konsepto ng pagbiyabiyahe.
Noong araw, ang travel ay ginagawa lang ng mga mayayaman. Ngayon, ginagawa ang travel na lifestyle ng marami para makawala sa stress o monotony ng buhay, para hanapin ang sarili at ang purpose sa buhay o para sa pagpapabuti ng mental at emotional health.
Naniniwala ako na ang pagbi-biyahe ay makapagbibigay ng maraming benepisyo. Hindi lang ito yung bang pag-check ng bucket list ng mga lugar na gusto nating makita at puntahan.
Sa ilang taon ko na ring ginagawa ang pagbi-biyahe, masasabi ko na SAYA ang binigay nito sa akin.
S- obrang pagbubukas ng isip sa mga bagong kultura, karanasan at ideya. Katulad na lang ng pagpunta sa mga museum, art galleries, sinehan o iyong mga magugulong palengke’t tindahan, dito mo makikita kung ano ang pinagmulan ng bansa at mga nag-impluwensiya sa mga tao at pag-uugali nito.
A- bilidad sa paglutas ng problema. Dahil sa pagbiyahe, kailangan mong matutuhan ang paggo-google ng dereksyon, mga dapat kainan, pagbabago ng booking ng flights at hotel, paghahanap ng mga lugar na bago, pag download ng mga app na angkop sa pangangailangan mo sa iyong destinasiyon o para sa mga language barriers.
Y- es to networking at sa pagdami ng kaibigan sa mundo. Dahil sa dami ng conferences at forum na nasalihan ko sa Asya, Europa at Amerika gawa ng aking trabaho noon, lumaki ang network ko ng mga professionals, eksperto, at mga kaibigan na nakatulong ng malaki sa aking professional growth.
A- bilidad sa pagiging malikhain at innovative. Marami kang madidiskubre na mga bagay o lugar na bago sa paningin, kaalaman, pananaw o sa kultura na nakagisnan o nakalakhan. Ito ay magbibigay ng bagong perspektibo na makakadagdag sa iyong creativity sa pagtratrabaho, lifestyle o karakter na maging mas positibo sa
buhay.
Sa isang banda, paano naman nakakatulong sa iyong financial literacy at wellness qng pagta-travel?
SAYA din ang maibibigay sa iyo ng pagbiyabiyahe:
S- aktong kaalaman sa mga proseso sa pagkakaroon ng visa at iba pang kailangan na dokumento, lalo na iyong gagamit ng digital tulad ng website o app para makakuha o magsubmit ng mga forms sa mga kaukulang opisina.
A- bilidad sa pagbubudget at pagiipon para matupad ang bucket travel list. Kailangan ng budget para sa flights, accommodations, at iba pang gagawin sa destinasiyon na pupuntahan. Kailangan din ng tamang pagplaplano lalo na sa pag-iipon na para talaga sa travel at maiiwasang magalaw ang iba pang prayoridad at obligasyon.
Y – abang ay iwasan sa pagsa-shopping at panggagaya sa mga nakikita sa social media. Kaya mas makakabuti na mag-stick sa budget at huwag kumaskas ng kumaskas sa credit card na parang walang bukas. Pigilan ang sarili at isiping hindi magaling kumita at maging ng pera.
A- bilidad sa trabaho na kumita ng mas malaki. Minsan gawing jnspirasyon at motivation din ang pagtravel para magtrabaho ng mabuti, umasenso at makapagipon. Lahat ay posibleng matupad kapag ikaw ay masipag, magaling at may malinaw na plano sa buhay.
O, Juan, sana maSAYA ka parati sa paglalakbay nyo sa mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -