NAGBIGAY ng kanyang mga pahayag si Senator Risa Hontiveros hinggil sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado. Narito ang kanyang mga pahayag tungkol dito.

Q: Ma’am, unahin na namin dahil ito yung mainit pa rin pinag-uusapan, itong impeachment case against Vice President Sara Duterte. Bilang possible na tumayo na impeachment judge, ano na po yung preparation ninyo sa ngayon?
Senator Risa Hontiveros: Oh, bago pa man inihain yung kasong iyon, and I have to say about those cases, siyempre malayo naman kahit sino na dumulog sa Korte Suprema, kwestyunin ang isang articles of impeachment at yung prosesong maaaring ibunga niyan. Pero ang masasabi ko lang at konektado sa paghahanda, yung ganyang kaso o mga kaso, hindi dapat maging hadlang na ituloy namin sa Senado ang aming trabaho. Hiwalay naman eh, diba, ang pagtitreat at pagdedesisyon kung sakali ng Korte Suprema sa ganyang kaso sa pagtupad namin dito sa Senado sa aming tungkulin. So magkapareho at parehong matitimbang na tungkulin yan noong dalawang sangay ng gobyerno sa aming trabaho ayon sa Constitution.
Q: Mam, kumbinsido kayo doon sa stand ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na kung susundin yung constitutional duty ng Senate pagdating sa impeachment, dapat immediately umaksyon ang Senate leadership?
SRH: Sumang-ayon ako at sumasang-ayon hanggang ngayon sa pananaw ni Senate Minority Leader Senator Koko Pimentel na ang linaw ng utos ng Constitution sa amin. Forthwith at mas klaro pa nga sa Pilipino agad. At the same time, kinikilala ko yung sinabi ni Senate President Chiz Escudero. Ang kanya namang pananaw na di umano, hindi kami pwedeng mag-convene bilang impeachment trial court habang adjourned ang session namin.
Pero kaya sumasang-ayon din ako sa sinabi ni SP na magtatawag daw siya ng isang all members caucus at sana dun sa caucus na yun, mapakinggan ng aming mga kasama ang mga argumento ni Senator Koko kung bakit di lamang pwede kundi dapat mag-convene na kami bilang impeachment court para i-treat, i-tackle yung articles of impeachment.
May tinuturo din si Sen. Koko sa Constitution na pag nag-adjourn ang isang impeachment trial, hindi maapektuhan yung legislative calendar. So in like manner, pwede natin sabihin na dahil nag-adjourn yung regular sessions ng Senado, hindi ibig sabihin na hindi pwedeng umandar at ganapin ang aming tungkulin sa isang impeachment trial naman.
Q: So ma’am, inaral na rin ba ng inyong tanggapan yung sinabi ni Sen Koko Pimentel na kahit walang session, yung session para sa mga legislative measures, pwede kung gugustuhin ang majority ng mga senator na mag-session kayo at talakayin na itong impeachment case laban kay VP Sara, kung gugustuhin ng majority ng mga senador?
SRH: Yes, at kung tamang pag-intindi ko kay Senator Koko, hindi lang pwede, kung hindi, dapat. At sinasabi din po yan, sa rules, sa rules ng Senado, specifically, yung Senate Rules of Procedure on impeachment trials. So sa tingin ko po, batay sa sinabi ni Senador Koko at yung pag-intindi ko rin sa tinatalakay nila sa Constitution at sa aming sariling rules on impeachment dito sa Senado, walang pumipigil sa amin na itackle yung articles of impeachment at mag-constitute bilang impeachment court.
Q: Ang kinakatwiran ni SP Chiz, nagiging maingat lang siya sa kanyang hakbangin dahil ayaw daw niya na mabigyan ng bala ang kampo ni VP Sara na ma-question ang hakbangin ng Senate sa Korte Suprema.
SRH: Well, hindi na namin kinailangan hintayin yun. Ayan, tumakbo na si VP Sara sa Korte Suprema precisely para hamunin yung impeachment complaint na yun. So in a way, the issues are joined. And muli, napapanahon sabihin, walang pumipigil sa amin sa Senado. Ito pa rin ang aming tungkulin sa ilalim ng Constitution.
Q: Bukod sa inyo, sino pang ibang Senador ang sumusuporta sa stand ni Senator Koko Pimentel? At sa panawagang All Senators Caucus?
SRH: Sa All Senators Caucus, hindi ko pa sigurado kung ilan pa ang sumusuporta sa ideyang yun. But I wouldn’t be surprised kung majority na rin sa bilang ay dahil ilang beses na rin naman kami nag-All Senators Caucus sa mga mahalagang issue na hindi kaagad pinagkakasunduan. And at this time, sa taong ito, ano pa ang isa sa pinaka-importante kung di itong tanong ng impeachment?
Q: Even before the adjournment noong February 8, never po bang napag-usapan kahit sa lounge or informally yung matter of impeachment among senators? Kasi my point here is, do you think Sen. Chiz will say all of the things and do all of the things that he has done and said so far without asking first yung kanyang mga kasamahan sa mayorya. Maaaring kayo, hindi kayo natanong kasi minority kayo. Pero yung mga kasama niya naman, parang ang hirap i-imagine na sasabihin niya lahat ng ginawa niya nang hindi man lang tinatanong yung mga kasama niya sa mayorya, diba?
SRH: Well, totoo na may pagkakonsultative si SP as a Senate President should be. Kaya, oo, ilang beses din na tuwing kunwari, suspended ang session sa mga tumpukan sa floor or for that matter sa lounge, of course, magtatanong din siya sa amin. And in fairness sa kanya, kahit sa amin sa minority ni Senator Koko, anong pananaw namin sa ganito o ganyang issue. So, hindi ako magugulat kung nagkonsulta rin siya. At kahit kami bago pa man nahihinog itong impeachment process, na pag-uusapan din yung pananaw ng bawat isa tungkol sa posibilidad noon ng isang impeachment process. So all the more, umaasa ako na matutuloy yung All Senators Caucus para dun man lang sa caucus, for starters, mapag-usapan, o ano, itutuloy na ba natin yung impeachment trial? And I think na, nasabi na ni SP, pwedeng sa June na daw, pag-convene namin ulit, pag-resume. Pero sa tingin ko, at ito yung pwedeng pakinggan ng mga colleagues namin sa mga argumento ni Sen. Koko posibleng-posible at para sa akin, and I believe para kay Senator Koko, mas desirable at kayang gawin mas maaga sa Hunyo.
Q: But why would they want to do that now? Kasi why couldn’t they have done it earlier if they really wanted it, diba? Kasi kung may boto talaga yan, kung may numero talaga yan, it could have been done as early as last month, or early this month. February pa pala.
SRH: Totoo, it could have been done earlier this month rather than hanggang ngayon, parang napipinto pa yung desisyon kung gagawin na namin o hindi. But, at least, kung gagawin na namin ngayong Pebrero o Marso, Abril, Mayo, mas okay na yun kesa sa Hunyo pa. So, once mabuo yung desisyon, tingin ko nga hindi lang desisyon, dapat obligasyon sa ilamin ng konstitusyon ng majority na bilang ng mga senador. Again, I don’t see anything standing in our way.
Q: Ma’am, how would you address pala yung thinking that you are a sure convict vote? Because your partymates in the Akbayan are among the complainants in one of the earlier complaints.
SRH: Akbayan was the endorser, not a complainant, but the endorser of the first complaint. Pero bago pa man inihain nung aming mga allies sa civil society yung several impeachment complaints, bago pa man inendorso yung mga complaints na iyon ng iba’t ibang mga representante sa House, nire-raise na namin dito sa Senado ng minority, nire-raise ko na rin yung mga issue na transparency at accountability na ilan sa importanteng grounds ng iba’t ibang articles of impeachment na inihain sa House. So, bago pa man sa mga party or partisan considerations, siguro mas doon nakabatay yung tingin ng mga mamamayan kung ano yung posibleng maging boto ko o boto namin. Dahil sa mga issue na nakapaloob sa mga grounds. And at the end, siyempre, kumbaga, natatanging prosesong impeachment. Sabi nila, sui generis. So, bilang senator-judge, eventually, kung matutuloy na ito, at gaya ng paalala ni SP, magiging impartial, fair, aaralin talaga at titimbangin yung mga ebidensya. Which of course, up to today, ay marami na at mabibigat sa isang parang plain na pagtingin. But again, the impeachment process is unique unto itself. So ako, excited akong gawin yung tungkulin namin and in that proper frame of mind.
Q: So can she, can the Vice President and her supporters expect fairness and impartiality from you?
SRH: Of course, she can. They can. As she could have and they could have sa mga previous processes na magkasama kami o nagharapan kami. And I expect no less from her.
Q: Is it really possible for you to set aside everything that happened in the past? Especially in the past budget hearing. Kasi immortalized na yung exchanges ninyo sa YouTube, sa socmed, and I’m sure it’s still fresh in your mind. So parang how can you divorce that, if you may, from the idea of whatever your appreciation of her arguments and her evidence may be during the trial, whenever it happens.
SRH: Siyempre, nobody can completely divorce oneself or forget what has happened. At kahit yung mga nasa social media, syempre, resibo yun sa aming lahat. But the point is, as has been done by senators before and senate before sa mga previous impeachment trials, yun yung hamon sa aming lahat at hamon din sa akin. To have that frame of mind na, okay, as if nagsisimula sa simula.
Kasi ngayon pa lang naman, if ever, magkakaroon ng impeachment process sa particular na public official na ito. So, kailangan pakinggan ko, as it were, with new ears, isipin ko with a new mind, but syempre, dahil tao, and I think as a responsible legislator, titimbangin ko rin in comparison with previous evidence I have studied, saka previous na appreciation sa mga, halimbawa, testimony ng mga witnesses about this particular public official sa mga articles na maya’t maya magbabanggit ng mga issue na tinalakay na rin namin dito dati sa Senado. And I guess that’s as good as it gets.
Q: Hindi ka naman sure convict vote?
SRH: Are we talking about certainties here?
Q: I guess that’s the question in a lot of people’s minds. So is this person, is this Senate, when they look at all of you, is he or she going to be a sure convict or a sure acquit? There are certain personalities that you can already you know, from her friends, from her allies, may mga nagsalita na. So on the flip side, may meron din namang mga nag-iisip na, oh, baka si ganito. So, I raise that question to you.
SRH: Sa bagay, meron mga nagsabi na, sure, naboboto sila ng no. Ako, I guess the fairest I can say is that yung mga kababayan natin at yung mga colleagues ko dito sa Senado, I think what can be expected of me or of all of us is to make the best decision we can make. And there, yung track record na rin namin will come into play. How have we passed on issues before? And I tend to be a very consistent person in my work. So I’ll start from there.
Q: So too early to say na may judgment ka na, ma’am.
SRH: I think fair enough to say na may judgment na akong namumuo the past several years na nakita ko sa performance ni VP on the issues na inimbestiga namin dati or dinibate namin dati, some of which ay mga pumasok sa importanteng grounds ng impeachment.
Q: Di ba nag-adjourn kayo ng February 5, pero technically, pwede pa rin nag-session ng 6 and 7. Para at least natalakay itong impeachment case against VP Sara. So sa tingin niyo ba, parang possible na may constitutional violation ba na nangyari?
SRH: Oh, I hope not. Ang pakiramdam ko sa kung tao ang Konstitusyon, kung tinitignan niya kami sa Senado, tingin ko parang ang agali pa rin niya sa amin ay, oh, napapanahon pa rin ngayon. Gawin niyo ang inyong tungkulin. Na huwag kailangang maghintay ng Hunyo, but any day, any month now, mag-convene bilang impeachment court. I-tackle yung mga articles of impeachment na tina-transmit sa amin ng house. In fairness sa kanila, sa araw na iyon, nung huling session namin.
Q: Ma’am, just to clarify, sabi niyo kasi you assure VP na magiging fair kayo and objective, but you said also may judgment na kayo based sa performance niya. What does that mean?
SRH: I hear from your voice na may pareho similar tayong health condition. Sorry. Okay, so back to your question. May namumuo akong opinion tungkol sa kanya bilang public official given the several important issues na naimbestiga namin or napagdebatihan namin ni VP in the past several years. So it’s only human that it will come into play in my mind and memory pagdating sa impeachment trial. But, ang sinasabi ko kanina ay for the impeachment trial, as for any judge or justice or sa ibang bansa, jury members, the challenge is, yun na nga, try to listen to everything and think of everything as if new, as if fresh. So, at least may ganong effort.
Q: So, ma’am, aminado tayo, may nabubuo kayong opinion, but you will try your best to be fair and objective. Is that what you’re saying?
SRH: I have always tried to be fair. I have always tried to be objective. And I have always tried to be respectful sa mga witnesses, kahit sila pa yung pinatutungkulan ng imbestigasyon. And the same would be true if and when the impeachment trial gets underway.
Q: Mabigat din kasi yung rason ni SP Escudero na kaya hindi niyo tinatackle because nakabreak nga kayo, ma’am. So, paano nyo itatahi yun? Are you also one of the senators calling for a special session para nga po matackle nyo na yung articles of impeachment?
SRH: Any proper mode na magpapaconvene sa amin ulit kahit naka-break ang legislative calendar para matalakay namin itong napaka-importanteng usapin. Kasi diba ang Kongreso nagsasabatas siya, nag-iimbestiga ng reso, nagpapasa ng taunang budget. Siya rin ay dumidinig sa mga impeachment complaints if and when these are filed. So whether special session o at kung sino man ang mag-request noon, kami ba, Malakanyang ba, for me, secondary yun. Ang primary ay sumunod kami sa utos ng Konstitusyon.
Q: [Inaudible]
SRH: Medyo, oo. Medyo sobrang matagal na. And kapag ganoon ang mangyari, ganoon mag-play out, magririnig kami na Senate of the 19th Congress na gawin ang aming tungkulin na dinigin itong articles of impeachment. And to be fair, not just to the public official who would be on the stand, most of all, at ito sa issue ng fairness, objectivity, impartiality, to be fair to the people. Kasi mga kababayan natin ay nagreklamo sa ganito at ganyang mga issue. Mga kababayan din natin nag-file ng iba’t ibang impeachment complaints. And we as the Senate, like the House, which did its duty on this matter of impeachment, we owe our kababayan to fulfill our duty on this impeachment process.
Q: Kasi parang ang sinasabi naman ni SP, hindi naman masasayang yung oras nyo kasi yung pre-trial on June, kung mangyayari siya, is submission ng summons. Physically, maraming mangyayari. Amendments ng rules nyo. So, parang yung 30 days nyo pagbalik nyo ng June is magagamit naman ng husto. Para daw, pagbalik nyo ng July, trial proper. In three months, tapos kayo, October may verdict. So, is that something na kaya nyo i-accept? Kung talagang…
SRH: Hindi naman mahirap tanggapin yung usapin ng kailan, yung time frame. Kasi all throughout the three years of a Congress, dami naming pwede at dapat gawing trabaho. Pero usapin ng sino yung casting? I mean, people are speculating, ihambing yung composition nitong 19th Congress Senate sa posibleng composition ng 20th Congress Senate. Pero lahat yan, ano eh, ball in play. Or lahat yan fluid. Pero para sa akin magiging malaking pagpapabaya sa responsibilidad namin, Senado ngayon ng 19th Congress, na gawin ang aming trabaho sa impeachment complaint na ito. Totoo, hindi masasayang ang panahon dahil magagawa namin yung mga preliminaries pero hindi na namin mapapatupad yung rules ng impeachment trial dahil 20th Congress Senate na ang magpapatupad nito.
SRH: So, ang masasayang, hindi yung usapin ng timetable or the when. It’s the who na masasayang. Yung casting ng 19th Congress Senate. I know people are comparing yung casting namin ngayon at yung casting ng posibleng 20th Congress Senate dahil may intervening election. And kung ano daw yung posibleng fortunes ng impeachment complaint comparing the 19th and the 20th Congresses. Pero ang masasayang ay yung magawa namin mga 19th Congress Senators yung aming buong tungkulin. Kasi magagawa namin yung mga preliminaries all the way to formulating the rules. Pero, hindi namin mapapatupad yung rules na yun. Dahil, kung mangyari yung timetable na sinasabi, 20th Congress Senate na ang magpapatupad nito. And we, the current Senators, would have reneged on our duty to hear this impeachment complaint. So yun, kung paubaya namin na sa 20th Congress Senate pa ang didinig sa impeachment complaint na yun, kaming mga senador ng 19th Congress would have reneged on our responsibility to do just that now.
Q: Ma’am, possible ba na kaya hindi na-aksyunan itong impeachment case against VP Sara aside dun sa stand ni SP na dapat ay may session, dahil naka-recess ang session? Dahil din ba marami kayong kasamahang re-electionist umiiwas dahil naiipit sila kapag nagkaroon ng impeachment trial?
SRH: Well that’s a fair consideration siguro sa kahit sinong reelectionist. Pero malay ba natin kung gawin ng ating mga mamamayan at botante na electoral issue itong impeachment. Kasi hindi lang simpleng political issues ang grounds for impeachment. Mga usapin talaga ng pag-gogobyerno. Mga usapin ng transparency and accountability. So it could go either way. Ano? Yung pagtantiya ng mga kasama naming re-electionist. And it’s easier said than done, lalo na sila naman ang re-electionist, pero over and above everything else, tungkulin talaga namin. And I suppose, isang basis para sa electability or re-electability, ay yung pagtupad sa tungkulin.
Q: So, mas mabigat yun, ma’am, yung gampanan ninyo, yung tungkulin ninyo sa pagdating sa impeachment kaysa dun sa iyong pagkampanya bilang re-electionist?
SRH: Oh, that would be too easy for me to say and hard for them to say. Pero I think fair na mag-singbigat yun at lalo na nga kung maging election issue itong impeachment.
Q: [Inaudible] Ano po yung masasabi mo para mas ma-guide yung public to side alin ba yung better?
SRH: Mas yung Supreme Court ang gagabay sa ating lahat pati sa amin dito sa Senado dahil inutusan na nila kami, among others, na mag-reply among others doon sa kaso ni VP Sara. Wala pa rin silang desisyon sa naunang kaso na padinigin sa amin yung impeachment complaint. So, Supreme Court mas ang magsasalita tungkol dyan.
Ang masasabi ko lang sa ating mga kababayan ay yung napag-uusapan na natin na dapat talaga agad naming talakayin yung impeachment complaint. Sayang na nahintay pa na meron pang kababayan, abogado na kailangan maghain ng kaso para lang utusan kami gawin ang aming tungkulin. At ayan na nga, yung subject ng impeachment complaint ay naghahain pa ng kaso sa Korte Suprema. Sayang rather than naghahain ng kaso doon, sana nauna na yung pagharap niya sa amin dito sa Senado. Nga lang, di pa kami nagko-convene.
So I think various actors ay kailangang i-play yung aming nararapat na role at sana ayusin namin yung sequence of events, dahil on some fronts parang nauuna yung bagon kesa sa kalabaw.
Q: This is not just politics, di ba? Parang may perang involved ng taong bayan.
SRH: Exactly, exactly. Of course, people say at tama din sila na impeachment processes are eminently political pero definitely ang pera ng at buwis ng mamamayan na perang hinahawakan lang ng gobyerno para gastusin para sa taong bayan, that is more than a political issue, it’s a governance issue, at definitely subject ng mga proseso ng pagsingil ng accountability tulad ng impeachment.
Q: Na pag pinalagpas natin, it would set a bad precedent.
SRH: Sobrang bad precedent pag pinalagpas nating lahat. Bad precedent din kung palagpasin namin ng Senado ang hindi lang chance, pero yung responsibilidad, dinigin ang isang impeachment complaint na may kinalaman sa pagsingil ng accountability sa paggastos ng pera ng mamamayan.
Q: Sabi po ni SP, inaaral niya na yung you’re doing the same, no? Which of the articles of impeachment, ma’am, do you think ang mas malakas at mas madaming ebidensya laban kay VP? Thank you po.
SRH: Well, there are a lot of articles or grounds. There’s a lot of evidence. Pero hihintayin ko kapag umabot na tayo sa puntong yun at senators-judges na kami, hihintayin ko yung punto na ipe-presenta yun ng prosecutors kasi yun yung kailangan muna naming dinigin bago kami magbuo ng aming opinyon within the impeachment trial o makapagsalita tungkol doon.
Q: So ma’am kung hindi pa action ang Senate hanggang sabi nga ni SP pag nag-resume yung session sa June at yung proper trial baka July na. Pwedeng may madagdagan pa yung mga petisyon sa Supreme Court and at the same time, may mga grupo na yata na gustong mag-rally para lang i-pressure yung Senate to immediately act on the impeachment case against VP Sara.
SRH: Ang rally, laging karapatan yan ng mamamayan. Sana hindi kailanganin pang madagdagan ng kaso para gawin namin ang aming responsibilidad in a more timely fashion. May apat na buwan pa naman eh mula ngayon hanggang Hunyo. There’s no reason we should wait four months or even one more month. Pwede na po namin simulang gawin ang aming responsibilidad ngayon.
Q: Ma’am, since you already mentioned that impeachment is a political process, does the Senate need the Supreme Court to interpret what is your constitutional duty according to Article 11 of the Charter?
SRH: In principle, bilang non-lawyer, akala ko hindi na kailangan. Kaya nga’t ang plain understanding ko rin nung na-transmit ng House yung articles of impeachment sa amin, ay susunod na. Forthwith, agad, yung susunod na hakbang.
Ngayon, lumalabas na may mga legal luminaries na magkakaibang mga opinyon na pinahahayag at yun na nga, may naghahain na ng kaso sa Korte Suprema. So, in terms of that process, siyempre, in principle, again, kailangang marinig natin yung desisyon ng Korte Suprema.
I’m hoping na yung magiging ruling nila, silang pinakamatataas na abogado sa ating bansa, would also be just a plain reading. Pero tingnan po natin. And in the meantime, kahit iniintay pa natin ang mga desisyon ng Korte Suprema sa mga kasong iyon, walang hadlang na ituloy namin, gawin namin sa Senado, dito sa legislature, ang aming responsibilidad.
Q: Since there’s no existing jurisprudence pa po dun sa issue na yan, don’t you think the Senate on its own should make its own interpretation by exactly yung sinasabi ni Sen. Koko by calling on all-members caucus na kayo na mismo yung mag-interpret ano ba yung trabaho ninyo? Instead of waiting for another branch.
SRH: Kaya ko nga sinusuportahan ng buong-buong magkaroon niyang all-senators caucus na sinabi ni SP at handang magpresenta ng argumento si Senator Koko. Para kung kailangan pang buuin ng aming decision dyan, gawin po namin. Para hindi na sana kinailangan na i-interpret pa sa ating lahat at sa amin ng Korte Suprema ang Konstitusyon.
Q: Sen., as senator-judge, will you require the Vice President to be present during her trial?
SRH: Siguro pag-uusapan pa namin iyon at lalabas sa rules. Dahil apparently ang rules sa bawat impeachment trial ay naiiba sa isa’t isa. So probably pag-uusapan po namin yun. Though I don’t think I’ve ever seen a trial… Inaalala ko yung mga napanood ko bilang mamamayan noon ng mga impeachment trials. I’m not sure I’ve seen an impeachment trial, or any ordinary trial for that matter, na wala doon yung defendant sa ordinary trial or yung subject ng impeachment. Pero malamang pag-uusapan pa po namin yun sa pagbuo ng rules.
Q: Nakita naman natin in previous events sa House na si VP kahit iniimbitahan siya, hindi siya nagpupunta. Do you think this should be a different, kasi this is a trial, hindi katulad ng proceedings na nangyari sa House?
SRH: Well, kung magiging sa rules namin na dapat present yung subject ng impeachment, then she should show up.
Q: Ma’am may mga hinahire na kayong legal consultant para sa impeachment?
SRH: Pinag-aaralan muna ng mga abogado sa staff ko. So we’re in the very early stages. So wala pa pong pag-uusap tungkol sa pag-hire ng mga legal consultants. Pero of course, if and when the trial gets underway, yun ang magiging pinaka-interesante sa siguro lahat ng mga abogado dito sa Pilipinas. And I’m sure there will be those willing and able to help the Senate na gawin yung aming trabaho.
Q: May mga kinukonsider na kay ma’am na i-hire na legal consultant?
SRH: Wala pa kasi kailangan pa namin magkumbinsihan sa hanay namin yung mga senador na tara, gawin na natin yung ating trabaho. Huli na tayo ng ilang linggo.
Q: I have two more questions, ma’am. Kasi sabi po ninyo, impeachment is political. In the past, there was a past survey saying that almost half of the respondents are in favor of the impeachment. But there’s a new survey coming from WR Numero, who is a partner of ABS-CBN, saying almost half, 47%, disagree with the impeachment of the Vice President.
So how do you think, question number one, how do you think are these surveys going to weigh in sa desisyon ng mga senador? Considering it’s a political process, we are, it has become an election issue, rightly or wrongly, and hindi lang for this election, but also for 2028. May mga nagsasabi, this is the first real chance of her opponents to take her out with the perpetual disqualification from public office.
SRH: I think surveys are taken into consideration ng kahit sinong mamamayan na nasa responsableng position. And of course including us here in the Senate. Isang paraan kasi na kunin yung pulso ng mamamayan. And at the same time, bagamat nga, gaya ng sinasabi ng mga kababayan natin, impeachments are also political, pero impeachment trial is a trial. So kahit siguro yung mga judge or justices sa mga trials, distinct from an impeachment trial, ay talagang sinusubukan nilang magsuot ng garb of impartiality. So again, that will be one of the requirements to us.
I guess I can’t say it plainer than that. Parehong magwe-weigh sa minds namin at sa mga puso namin. And in the end, we will just have to decide based on the Articles of Impeachment themselves, the evidence itself, with our minds and our hearts na humanly impossible na ma-divorce doon sa pakiramdam ng ating mga kababayan. Not just about the Articles as parang written words lang, pero yung karanasan at yung mga ebidensyang sinasabi at yung mga opinyon na binubuo ng ating mga mamamayan who live through these issues that are at the heart and soul of the Articles of Impeachment.
Q: Naisip nyo na po ba yung implications noong sa 2028 with the perpetual disqualification from public office? Is that something that weighs heavily na? Yun na nga, you can make the prospect of another President Duterte go away by imposing that penalty.
SRH: Of course, it’s on our minds also. Kasi isa sa mga mabibigat na implikasyon yan or consequence ng isang impeachment. And for others, lalo na yung mga victim-survivors na nakatrabaho namin sa mga earlier investigations, na mga earlier issues. Para sa kanila, hindi nga ito looking forward lamang sa mga future na mga eleksyon. Para sa kanila, and para din sa amin, na mga allies nila, it’s also finally a reckoning sa mga past na mga krimen laban sa kanila na never pa nila nakakuha ng substantive na hustisya at saka never pa sa kanilang nakasingil ng accountability.
So in a way, kung matuloy na yung impeachment trial, past and future will collide in the present. And imperfect as any process is, imperfect as any decision is, baka pagkakataon din ito at responsibilidad sa amin sa Senado to give a little bit more of a measure of justice and accountability sa mga hindi pa nakatanggap nito.
Q: Ma’am, you already mentioned na yung nga po, past and present, future will collide. Do you think it would be possible to differentiate si VP Sara dun sa tatay niya na naging presidente? Because a lot of the past investigations ng Senate were concerning mostly the past administration, not really VP Sara po.
SRH: Of course, we must distinguish VP Sara from Duterte, the former president. Di naman si Duterte ang ini-impeach eh. Ibang process yung napipinto sa kanila, yung ICC. So labas yun sa impeachment trial. So kapag matuloy na yung impeachment trial, there is only one public official na implicated diyan and that’s VP Sara alone.
Q: You’re very supportive of the all-senators caucus but then for example po hindi ito matuloy, would you go so far as kausapin yung mga kapwa nyo, Senador, because you’re also friends with them, na kung hindi tayo mag-caucus, convince them by your own po.
SRH: Baka ngayon pa lang, kinakausap na namin ni Sen. Koko yung mga kasama namin. So, again, that’s part of the normal na ganap dito sa napaka-human na institution natin, napaka-Filipino na institution natin. And sana, pag natuloy na yung all Senators caucus, siguro sa loob nun, maraming kumbinsihan din.
Q: So, meron po kayong kinakausap ni Sen Koko. And if meron nga po, ano po exactly yung napapag-usapan?
SRH: Actually, wala pa akong nakakausap tungkol dyan. Pero I’m guessing it wouldn’t be impossible if Senator Koko is speaking to our colleagues. At yun na nga, nasulatan na niya yung si SP. At ginawang public yung sulat. Halaw sa transcript ng Kapihan sa Senado with Senator Risa Hontiveros ng Senate of the Philippines