MAINIT ang naging pagsalubong kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ng mga kawani ng DBM Region 9, sa pangunguna ni DBM Region 9 Director Mark Louie Martin at Region 9 Assistant Director Alelie Ramos, sa Zamboanga City kahapon ng umaga, April 2.
Dadalo ang Budget Secretary upang makiisa sa pagdaraos ng 8th Annual Convention ng Philippine League of Local Budget Officers (PHILLBO).
Pangungunahan din ni Sec Mina ang pangangasiwa sa Dugtong Buhay Movement, ang joint bloodletting program sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, at AFP – Western Mindanao Command, gayundin ang inagurasyon ng bagong ICT building ng Zamboanga Peninsula Polytechnic State University (ZPPSU)
Kasamang dumating ni Secretary Pangandaman sina DBM Undersecretaries Wilford Will Wong at Usec. Goddes Hope Libiran.