29 C
Manila
Huwebes, Mayo 29, 2025

De Lima di-sang-ayon sa pananaw ni Macalintal sa impeachment ni VP Sara

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Mamamayang Liberal party-list representative-elect Leila de Lima ang kanyang opinyon hinggil sa pananaw ni election lawyer Romulo Macalintal na ang reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na hindi matutuloy ay opinyon lamang nito at hindi ito “conclusive legal fact.”

Sinabi ni Macalintal sa isang panayam na ang oras ay magiging problema para sa impeachment case dahil nakasaad sa Senate Rule 44 na ang mga nakabinbing usapin at paglilitis ay namamatay sa adjournment o pagtatapos ng Kongreso.

Noong Disyembre 2024, noong ika-19 na Kongreso, apat na impeachment complaints ang inihain laban kay Duterte.

Ayon sa legislative calendar ng Third Regular Session ng 19th Congress, ipagpapatuloy ng Kamara ang sesyon nito sa Hunyo 2 hanggang sa sine die adjournment sa Hunyo 13, 2025.

Ang mga mambabatas na bubuo sa ika-20 Kongreso ay mauupo sa puwesto sa tanghali ng Hunyo 30.

“That is just one view because that very issue, in fact, is still an open, novel issue,” sabi ni De Lima sa isang panayam sa The Manila Times nitong Lunes.

“We can expect that issue will be elevated one way or the other to the Supreme Court,” dagda pa niya.

Sinabi ni De Lima, isang dating Justice secretary, na ang impeachment ay hindi bahagi ng ordinary, usual legislative function ng Kongreso.

“But it is a special duty, sui generis, one of a kind, meaning normal procedures does not apply,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Konstitusyon, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ang may tanging kapangyarihan na magpasimula ng mga kaso ng impeachment.

Noong Peb. 5, nilitis ng Kamara si Duterte, ipinadala ang reklamo sa Senado na, sa ilalim ng 1987 Constitution, ay may tanging kapangyarihan na subukan at magpasya sa mga kaso ng impeachment.

Nag-ugat ang impeachment case sa diumano’y  paggamit ni Duterte ng confidential at intelligence funds para sa Office of the Vice President at Department of Education; pagbabanta umano ng assasination laban sa pangulo, unang ginang na si Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez; at umano’y pagkakasangkot sa extrajudicial killings ng mga drug suspect.

Noong Peb. 18, naghain si Duterte ng petisyon sa Korte Suprema na hinahamon ang impeachment complaint laban sa kanya.

Ayon kay Senate President Francis Escudero ang Senate ay magsasama-sama sa impeachment court sa Hunyo 3, 9 ng umaga. Halaw sa ulat ng The Manila Times

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -