UMAKYAT ang deficit ng National Government (NG) sa P478.8 bilyon noong unang quarter ng 2025, 75.6% na mas mataas kaysa noong kaparehong period noong 2024. (Table 1) Kahit bahagdan ng deficit sa GDP ang titingnan, tumaas ang deficit mula 4.5% sa 7.3%. Ito rin ay mas mataas kaysa sa 5.3% na naka-project sa buong 2025.
Ang mas mataas na deficit ay sinabayan ng pagbagal ng paglago ng koleksyon. Umakyat ang revenues ng NG ng 6.9% kumpara noong nakaraang taon, mas mababa kaysa sa 7.6% na paglago ng nominal GDP. Dahilan dito, bumaba nang bahagya ang revenue effort sa 15.2% mula sa 15.3% noong nakaraang taon.
Tumaas ang tax revenues ng 13.5% mula P820.4 milyon sa P931.5 milyon; halos nadoble nito ang 7.6% na paglago ng ekonomiya. Ang paglago ay dahil sa revenue enhancement measures gaya ng kampanya laban sa paggamit ng pekeng resibo, paglaban sa illicit trade, digitalization, at tax payment facilitation.
Sa kabuuan, mahusay ang efficiency level ng tax collection agencies. Ang Ang pinakamalaking paglago ng koleksyon ng BIR na 16.7%, mas mataas kaysa GDP growth. Ngunit ang koleksyon ng BOC ay tumaas lamang ng 5.7%, mas mabagal kumpara sa 11.2% na paglago ng dutiable at taxable imports. Ang dahilan ay ang 11.2% na pagbaba ng halaga ng imports ng refined petroleum fuels and oils na kung saan nakokolekta ang halos kalahati ng koleksyon ng BOC. Bumaba ang presyo at volume ng refined petroleum product imports noong unang quarter. Sumemplang ang other offices na nagpakita ng mas mababang koleksyon kaysa noong nakaraang taon. Kabilang sa koleksyon ng other offices motor vehicle taxes na kinokolekta ng Land Transportation Office (LTO), at ang forest product taxes ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), maaaring bumaba ang narehistrong sasakyan noong unang quarter ng 2026 dahil sa 11.6% na pagbagsak ng imports ng motor vehicles noong last quarter ng 2024. Ayon pa rin sa PSA, bumaba ang forestry production ng 2.8% sa unang quarter ng taon.
Pagkatapos magpakita ng malaking paglago noong nakaraang taon, ang non-tax revenues ay bumagsak ng 41.2%. Ang dahilan ay ang maagang pag-remit ng 18 Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ng dibidendong nagkakahalaga ng Php 28.23 bilyon noong 2024 kumpara sa 3 GOCCs na nag-remit lang ng Php 0.027 bilyon ngayong taon. Inaasahang i-remit ng GOCCs ang mga dibidendo simula sa Mayo.
Sa kabilang dako, tumaas ng 22.4% ang expenditures, mas mataas kaysa sa nominal GDP growth. Ito ang dahilan upang rumatsada ang expenditure effort sa 22.4% kumpara sa 19.7% noong nakaraang taon. Mas mabilis ngayon ang paggasta dahil kailangang magawa ang karamihan sa mga proyekto bago mag-implementa ng public works ban sa panahon ng eleksyon. Masigla ang paglago ng capital outlays ng 23.0% (base sa latest data na hanggang Pebrero 2025); ang interest expense na 24.9%; at allotments to LGUs na 11.3%.
Dahil umakyat ang deficit kumpara noong nakaraang taon, ang NG debt-GDP ratio ay umangat mula sa 56.6% noong Marso 2024 sa 61.9% noong Marso 2025; 5.55% na bahagdan ng paglago. (Table 2) Di naman ito nakababahala dahil mas mababa pa rin ito sa antas na 70% ng GDP na siyang panukala ng International Monetary Fund (IMF) na manageable public debt.
Sa buong taon ng 2025, ang revenue target ng NG ay P4.644 trilyon, 5.1% na mas mataas kaysa sa aktuwal na P4,419.0 trilyon. Ang BIR target at P3.232 trilyon, 13.3% na mas mataas kaysa sa 2024 na koleksyon. Ang BOC target ay P1.06 trilyon, 15.6% na mas mataas kaysa sa 2024 na koleksyon. Tatlong new tax measures ang inaasahan sa 2025 hanggang 2028—ang excise tax sa single-use plastics (SUPs), Package 4 ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) kung saan kasama ang rationalization ng mining fiscal regime, at ang reporma sa motor vehicle users’ charge (MVUC).
Table 1. FISCAL PERFORMANCE | ||||||
(in P Billion) | JANUARY- | MARCH | 2025 vs 2024 | |||
2024 | 2025 | % Growth | ||||
TOTAL REVENUES | 933.7 | 998.2 | 6.9% | |||
% of GDP | 15.3% | 15.2% | ||||
TAX REVENUES | 820.4 | 931.5 | 13.5% | |||
% of GDP | 13.4% | 14.1% | ||||
BIR | 591.8 | 690.4 | 16.7% | |||
BOC | 218.9 | 231.4 | 5.7% | |||
OTHER OFFICES | 9.7 | 9.7 | -0.2% | |||
NON-TAX REVENUES | 113.4 | 66.7 | -41.2% | |||
EXPENDITURES | 1,206.4 | 1,477.0 | 22.4% | |||
% of GDP | 19.7% | 22.4% | ||||
Capital outlays | 216.8 | 266.7 | 23.0% | |||
Allotments to LGUs | 259.9 | 289.3 | 11.3% | |||
Interest expense | 193.0 | 241.0 | 24.9% | |||
Others | 536.7 | 680.1 | 26.7% | |||
NG BALANCE | (272.6) | (478.8) | 75.6% | |||
% of GDP | 4.5% | 7.3% | ||||
Nominal GDP | 6,119.1 | 6,586.7 | 7.6% | |||
Source: Bureau of the Treasury |
Table 2. NATIONAL GOVERNMENT DEBT RATIOS | Marso 2024 | Marso 2025 | Change |
NG DEBT-GDP RATIO | 56.44% | 61.99% | 5.55% |
DOMESTIC DEBT | 38.86% | 42.28% | 3.42% |
EXTERNAL DEBT | 17.58% | 19.71% | 2.13% |
Sources of basic data: Bureau of the Treasury, Philippine Statistics Authority |