NAGPASALAMAT si Vice President Sara Duterte sa mga Pilipino sa Doha Qatar na kaniyang binisita kamailan. Narito ang kanyang pahayag.
“Daghang salamat!
“Naging matagumpay ang aming pagbisita sa Qatar kung saan ay nakapiling natin ang mga minamahal nating kababayan na naninirahan at naghahanap-buhay doon.
“Mahigit sa dalawandaang libong mga Pilipino sa Qatar ang nakasama natin sa byaheng ito. Humahanga tayo sa tapang, tatag, at kahandaang magsakripisyo ng mga kababayan nating OFW — at sa kanilang pagmamahal sa pamilya at sa ating bayan.
“Taos-puso ang aking pasasalamat sa Qatar, sa pamumuno ni His Highness Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani, sa pagtanggap at pagbibigay ng oportunidad sa ating mga kababayan.
“Malaki rin ang aking pasasalamat sa Embassy of the State of Qatar sa Pilipinas na tiniyak na maging matiwasay ang ating byahe.
“Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.”