Unang bahagi
NAGKAROON ng masinsinang pagtatanong si Senator Risa Hontiveros at pagsagot si Transportation Secretary Vince Dizon sa naganap na pulong ng Commission on Appointment (CA). Narito ang ilan sa mga katanungan at mga paliwanag ni Sec Dizon (Editor).

Senator Risa Hontiveros (SRH): Saan kayo susukatin Secretary Dizon, pagdating sa road transport? I hope it’s not mainly in terms of infrastructure programs — as we now know there is no appetite in Malacañang for large and costly new initiatives and in the end the DoTR has to be accountable for the extraordinary daily pains of the ordinary commuter.
Secretary Vince Dizon: Alam niyo po, napakahihirap ng tanong, ma’am. Kasi po ang road transport talaga ang pinakamabigat na sangay ng Department of Transportation dahil na rin dito talaga madalas dumadaan ang ating mga kababayan na araw-araw sa kalye. Pero dalawa po ma’am, I will have to give a… ‘Di naman po mahaba, pero masalimuot po kasi talaga itong road sector natin. Unang-una po, sa tingin ko po, marami pong kailangang gawin regulatory environment sa road transport, lalong-lalo na po sa issue ng road safety.
Ligtas na daan o road safety
Alam naman po natin ang mga na-witness natin itong mga nakaraang linggo na napakaraming road crashes. Now po, we don’t like to call them accidents, Madam Chair, kasi po ang aksidente po ay parang unpreventable. Pero ang paniniwala po namin is ito pong mga nangyari ng mga nakaraang linggo at mga nakaraang buwan at taon, hindi yan po siya talaga aksidente. Siya po ay crash, ibig sabihin yan po talaga ay pwede sanang ma-prevent at maiwasan.
At ang nakikita po naming root cause nitong mga maraming problema na ito ay ang ating failed road safety regulations, which unfortunately have really failed us over the past years. Both on the side of the Land Transportation Office and also on the side of the Land Transport Franchise Regulatory Board, yung LTFRB na nagbibigay ng parangkisa sa ating mga public utility vehicles.
Marami po sa ating mga regulasyon sa road safety ay regulasyon lang po na nasa papel. Hindi po talaga ipinatutupad ng tama.
Halimbawa po kung titingnan niyo po yung pagche-check po ng ating mga sasakyan kung sila ay roadworthy, lalong-lalo na po ang ating mga public utility vehicles, lalong-lalo na po yung mga malalaking PUV, yung mga bus na pagka meron pong nagka-problema po, eh talaga po nakakamatay. At yun na po ang nakita natin sa aksidente sa SCTEX noong May 1 involving Solid North na pumatay po ng 12 sa ating mga kababayan kasama na po ang apat na 4-year-old children. Hindi po talaga chine-check ng tama ang ating mga PUVs, ang ating mga bus.
Yung mga truck po, ganoon din po. Nung isang araw lang po, mayroon isang truck na nawalan ng preno, dalawa po ang patay. Dahil nga po meron po tayong failure sa ating regulatory system sa road safety.
Yung pag-i-issue po ng mga lisensya, lalo na po yung mga professional licenses, mga lisensya para sa mga truck driver, para sa mga bus driver, halos wala pong safeguards yan. Wala pong mutinying rekisitos. Hindi po katulad sa Europe o sa Amerika. Para makapagmaneho ka ng isang truck as a professional driver, you’re required similar to getting a pilot’s license, you’re required about 150 hours of practical truck driving. Dito po sa Pilipinas wala pong ganoon. Kahit tayo po nagmamaneo ng sedan, pwede po tayo magmaneho ng truck. Bibigyan po tayo ng lisensya.
So yan po kailangan maayos yan. And I think that is one branch that I think we need to once and for all fix, ma’am. And I would want to be held accountable to that po. Kailangan na po once and for all. Kasi kung di po natin ayusin ito ngayon, ituloy-tuloy at gagrabe ang mga road crashes na nakikita natin ngayon.
Road mass transport infrastructure
Ang ikalawa po ay kailangan po natin ayusin po talaga ang ating road mass transport infrastructure. Ako po’y hindi naniniwala na ang solusyon sa traffic ay magpatayo ng bagong kalye. Hindi po ako naniniwala doon. Minsan po, yun po ang paniniwala ng iba sa gobyerno na para po mag-solve ng traffic kailangan nating magpalapad ng kalye o magtayo ng bagong kalye. Ako po’y rin hindi naniniwala na ang pagtatayo ng bagong kalye ay magdadagdag lang sa mas madaming sasakyan at maraming traffic. Ang solusyon po talaga sa traffic ay ang pagtatayo po talaga ng mass transport system na gagamitin ng ating mga kababayan whether mahirap, middle class o mayaman.
Yan po talaga ang ultimate solution. At noon po talaga tayo nagkulang dahil sa ilan dekada na ring pagkukulang at neglect. At yan po ang pinapabilis ng ating Pangulo, ang ating mass transport.
So, hindi naman po natin sinasabi na matatapos po natin lahat, lalo na ang mga bago pag nagsimula. Pero pipilitin po natin na lahat ng kayang tapusin within the next three years po ay talaga pong tatapusin po natin.
At yun pong mga proyekto na natengga na tulad po ng mga tinanong ni Congressman Pimentel, tulad ng common station, ang MRT-7, yung connectivity po ng LRT-1 at MRT-3, yan po ikino-commit po natin matatapos din po.
PUV Modernization
SRH: Maraming salamat, Madam Chair at Sec. Na-appreciate ko yung pagbibigay niyo ng priority doon sa regulatory aspect lalo ng road safety. And in fact, isasama sa mga tanong ko ay tungkol sa mga motorcylce accidents. Pero in the interest of time, ico-compress ko na lang yung mga tanong at yung partikular tungkol sa motorcycle accidents.
Ang pangalawang tanong ko po tungkol sa PUV Modernization. Double-digit kada taon ang porsyento ng pagdami ng mga pribadong sasakyan sa ating mga lansangan, kahit nasa 3% lang ang pagdami ng ating urban population. So kung sapat ang magiging lawak at kalidad ng PUV modernization program, pipiliin na ng mga taong sumakay sa public transport, gaya sinabi niyo, kaysa gumasta para magkaroon ng sarili nilang sasakyan. At modal shift ang tawag dito.
So may mga lugar ba, Sec. kung saan pwedeng targetin ninyo na mangyari itong modal shift patungong public transport kung hindi na natin maasahan na sa buong bansa mangyayari ito at least until 2028? So meron po bang pilot areas from which pwede tayong mag-replicate at mag-scale up over the next decades?
Secretary Dizon: Ma’am, tama po yung sinabi niyo. Kailangan po talaga itong modernization ng ating public transport, lalo na itong mga public utility vehicles natin. Talagang naipakita natin na ito ay viable. Hindi lamang viable para sa mga commuters dahil mas maganda na ang mga bagong modelong PUV, kundi viable din po para sa mga operators at sa mga drivers dahil kabuhayan po nila yan.
At maganda po yung tanong ninyo, dahil yun din po yung iniisip namin ngayon. Maganda po talagang approach is mag-pilot po. At mayroon na po kaming iniisip na pilot sa katulong ng ating mga, lalo na itong mga incoming mayors po natin, either yung mga dati o bagong papasok. Baguio is one kay Mayor Benjie Magalong. Sa Iloilo po kay Mayor Treñas. Sa Bacolod po, dati po kay Mayor, ngayon ni Congressman Benitez, ngayon po ay papasok na si Mayor Greg. At iba pa pong mga urban centers.
Kasi yun po talaga ang magpapakita sa atin ng proof of concept, ika nga, na ito po ay makakatulong sa commuter, pero at the same time viable po at hindi naman po maghihirap at malulugi yung atin pong mga transport cooperatives, operators, and drivers.
So ito po ang direction na gagawin natin sa mga susunod na buwan. At nagpapasalamat po tayo sa suporta dahil alam ko po napakalaki po ng support na binibigay ng Senado at ng Kongreso dito sa programang ito.
Modern Bus System
SRH: Salamat, Madam Chair at Sec. At least glimmers of hope yan. Pero wala bang pilot areas sa Mindanao din?
Secretary Dizon: Meron din po. Salamat po. Actually, sa Cagayan de Oro, magpa-pilot din po. At sa Davao din po, mayroon po tayong napakagandang proyekto doon, yung ating Davao Modern Bus System.
This is a bus system po that is very similar to what we see in bus systems in modern countries. There are schedules. The buses are modern buses. Many of them if not all of them are electric buses. And then maayos ang sistema, di hihinto kung saan-saan Ito may proper bus stop, may proper terminals.
Ito po ay pinondohan ng Asian Development Bank. At ito po ay inabutan natin. Inaamin po natin na maraming delay. Pero po ngayon po, nagkakaroon na po tayo ng momentum at nagkakaroon na po tayo ng malaking movement po sa ating Davao Bus Modernization Program. And this will really be a major achievement and a model for the entire country. Halaw sa ulat ng Senate of the Philippines
May karugtong