“The victims are the ordinary people of Siquijor… They are losing that opportunity to develop dahil sa kakulangan sa kuryente.” Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang inspeksyon sa Siquijor Island Power Corp. (SIPCOR).
Ayon kay PBBM, dadating na mula Palawan ang dalawang malalaking generator sets para magbigay ng agarang suplay ng kuryente sa buong isla. Para sa pangmatagalang solusyon, binigyan ng Pangulo ang SIPCOR at mga kaugnay na ahensya ng anim na buwang deadline upang ayusin ang sistema, tiyakin ang sapat na suplay ng kuryente, at tuparin ang kanilang obligasyon sa mga mamamayan ng Siquijor.