MASAYANG ibinalita ni Senadora Imee Marcos na inilipat na sa Nobyembre 2026 ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Aniya, “Sa wakas, matapos ang pagkahaba-habang debate, pagpapalit- palit ng isipan na halos umabot sa bunuan, mapo-postpone na rin hanggang Nobyembre 2026 ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
“Labis ko ring ikinagagalak na ibalitang tuloy na tuloy na ang eleksyon sa BARMM ngayong Oktubre. Sa wakas, tunay nang magiging autonomous ang BARMM — magkakademokrasya na ang ating mga kapatid na Muslim.”