NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senator Imee Marcos sa naganap na pag-atake ng Amerika sa Iran kamakailan.
“Ang pagsali ng Amerika sa sigalot sa pagitan ng Iran at Israel ay nakakabahala. Mas nagdagdag ng pandaigdigang peligro.
“Labis ang pag-aalala nating lahat para sa kaligtasan ng ating mga kababayang naiipit sa digmaan.
“Isa pang epekto nito ay sa langis, na siguradong may mabigat na implikasyon sa ekonomiya ng bansa; sa agrikultura, transportasyon, pabrika, pagawaan at iba pa.
“Gaya ng lagi kong paninindigan, KAPAYAPAAN higit sa lahat.
“Magsilbi nawa itong panawagan sa Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, Philippine Overseas Labor Offices na gawing prayoridad ang kaligtasan ng bawat Pilipino roon.
“Ito rin ay pagkatok sa ating pamahalaan, naghihintay ang bayan para sa isang matibay na aksyon at plano, para matutukan ang langis at magiging kabuhayan ng mga magbabalik-bayan.”