MATAPOS ang ilang pag-uusisa sa kondisyon ng San Juanico Bridge, deadma ang DPWH at si Speaker.
P451.4 milyon lamang ang alokasyon para sa rehabilitasyon ng tulay mula taong 2018 hanggang 2025. Ako pa mismo ang nagtanong kung saan linaan ang bilyong pondong nakalagay sa GAA – P4.7 bilyon para sa iba’t ibang proyekto sa Maharlika Highway.
Bilyon ang nilustay na pera para sa mga daanan na masayang pinagkakitaan ng kung sinu-sino pero ang mahalagang tulay ni hindi iniinspeksyon at puro pintura lang ang ginawa!
Ang San Juanico Bridge ay binuo sa administrasyon ng aking ama na simbolismo ng katatagan at pagtutulay ng kalinga ng pamahalaan papunta sa mga mamamayan. Ngayon, pinagdududahan ang tibay at serbisyo nito, pero ang hinahanapan ng #IMEEsolusyon ay ako pa rin.
Bakit ako na senador ang hinahanapan mo ng aksyon, yang amo mo diyan nakatira, bakit di mo tanungin?
Lahat kayo sa akin nakatingin – SANA AKO NA LANG NAGPRESIDENTE.