HINDI na puwedeng paulit-ulit ang trahedya tuwing umuulan. Kailangan na ng mga konkretong solusyon para sa tamang pamamahala ng baha at tubig. Ito ang mariing sinabi ni Senator Fancis “Kiko” Pangilinan.

Idinagdag pa niya, “Taun-taon, paulit-ulit ang trahedya. Taun-taon, may nasasawi, nawawalan ng tirahan, kabuhayan, at kinabukasan. Baha ang kalaban kaya dapat may laban tayong maaasahan.
“Kaya isinusulong natin ang tatlong panukalang batas:
- Rainwater Runoff Management and Control Act
- National Land Use Act of 2025
- National Water Resources Management Act “Layon nitong pagtibayin ang isang pambansang plano para sa maayos, makatao, at makakalikasang pamamahala ng tubig at baha. Hindi sapat ang relief. Hindi sapat ang apologies. Ang kailangan: foresight, batas, at pagkilos — ngayon na.”Sa bawat bumabahang lansangan, sa bawat nasayang na buhay, sa bawat pagkaantala ng pag-unlad, malinaw ang hamon sa atin: kailangan nating gawan ng aksyon.”



