SUSPENDIDO ang pasok sa lahat ng antas ng klase sa piling mga lalawigan dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Mananatiling bukas ang mga ahensyang may essential services gaya ng kalusugan, seguridad, at disaster response upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo.
Samantala, ang mga non-vital employees ng ahensyang may essential services at ibang government agencies na hindi kabilang dito ay maaaring magtrabaho sa ilalim ng alternative work arrangements, ayon sa pasya ng pamunuan ng ahensya.



