INIUTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatalaga ng medical teams sa evacuation centers at ang paghahanap ng alternatibong paraan ng pag-aaral para sa mga estudyanteng apektado ng class suspension.

Giit ni PBBM sa situation briefing kaugnay ng epekto ng Habagat at iba pang weather systems na kasalukuyang nakaapekto sa bansa, bahagi na ng bagong normal ang ganitong sakuna kaya’t kailangan ng pangmatagalang plano sa evacuation, kalusugan, at edukasyon.

Nakiisa si Pangulong pcoMarcos Jr. sa pamamahagi ng family food packs, hygiene kits, sleeping kits, at hot meals mula sa DSWD sa Maly Elementary School sa San Mateo, Rizal, kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mahigit 500 pamilyang apektado ng kalamidad.



