“Dinadagdagan natin ‘yung ginagawa ng iba’t ibang ahensya. Doon tayo sa hindi nila nasisilbihan o natutulungan.”

Ito ang pahayag ni Office of the Vice President (OVP) Spokesperson Atty. Ruth B. Castelo hinggil sa disaster response operations ng Office of the Vice President Disaster Operations Center (OVP-DOC).
Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy ang relief operations na ginagawa ng OVP-DOC upang magbigay ng tulong sa ating mga kababayang apektado ng matinding pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang lugar.



