29 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

KWF Serye ng Webinar sa Buwan ng Wikang Pambansa 2025

- Advertisement -
- Advertisement -

MALUGOD kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Para sa Unang Serye ng Webinar, ang tagapanayam sa paksang “Wikang Pangkasarian” ay ibabahagi ni Dr. Rowena Festin, assistant professor sa University of the Philippines-Pampanga. Ito ay gaganapin sa Agosto 5, 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Ang panayam sa Ikalawang Serye ng Webinar ay ipagkakaloob ni Carolyn Dagani, FSL specialist, Deaf Relay interpreter, at Disability leader, bise presidente ng Philippine Deaf Cultural Arts, at board member, World Federation of the Deaf regional secretariat for Asia. Tatalakayin niya ang paksang “Gampanin ng Filipino Sign Language (FSL) sa Pagbabago ng Klima” na gaganapin sa Agosto 12, 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Sa Ikatlong Serye ng Webinar ay bibigyang talakay ni Dr. Carl Balita, presidente at CEO ng Dr. Carl E. Balita Review Cente at Propesor ng Graduate School sa Philippine Women’s University, ang paksang “Pagtataguyod ng Literasi sa Wikang Filipino: Hakbang Tungo sa Maunlad na Buhay.” Ito ay gaganapin sa Agosto 19, 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Para sa Ikaapat na Webinar sa huling Martes ng Agosto, tatalakayin ang paksang “Filipino at Wikang Katutubo: Wika ng Malayang Pamamahayag” sa pamamagitan ng ating ekspertong tagapanayam na si Dr. Aurelio Agcaoili, chair ng Department of Indo-Pacific Languages and Literatures sa University of Hawaii. Ito ay gaganapin sa Agosto 26, 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom. Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangap ng e- sertipíko mulâ sa KWF.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -