26.1 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

‘Passing through’ sa flood control projects ipinaliwanag ni Sen Lacson

- Advertisement -
- Advertisement -

MALAKING rebelasyon ang inihayag nitong Linggo, Agosto 10, ni Sen. Panfilo Lacson na inilarawan niya bilang “passing through” scheme na kinasasangkutan ng mga mambabatas at mga kontratista na nagresulta sa sobrang presyo at substandard na mga flood control projects ng pamahalaan.

Larawan mula sa file ng The Manila Times

Sa ilalim ng scheme, ang isang kontratista ay nagbabayad ng “passing through” fee na 5 hanggang 6 na porsiyento ng halaga ng isang proyekto sa isang distrito kung saan ang mambabatas ay isang kontratista, o kung saan ang mga kamag-anak ng mga mambabatas ay mga kontratista.

Inihalintulad ni Lacson ito sa isang toll.

“Bawasn a kaagad ito sa gastos ng proyekto, sabi ni Lacson sa isang radio interview nitong Linggo.

Sinabi rin ng senador na may alam ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa scheme na ito.

Pagkatapos mabayaran ang fee, taxes at mga komisyon, sinabi ni Lacson, “minsan ay mas mababa sa 40 porsyento” na lang ang naiiwan para sa aktwal na proyekto.

Aniya, kailangang bumawi ng contractor sa sobrang gastos na natamo.

“How will the contractor be compensated if he/she does not use substandard materials or take shortcuts? The government is thus shortchanged,” sabi ni Lacson.

Sa pamamagitan ng shortcut, matatapos lamang ng isang contractor  ang 50 metro ng isang 150-meter dike o flood mitigation project, ani Lacson.

Sa ibang mga kaso, ang kontratista ay magtutulak ng mga sheet pile na 3 metro lamang ang lalim sa halip na kinakailangang anim na metro.

“The dike will be easily damaged because the contractor scrimps on materials,” sabi ni Lacson.

Ang isa pang pagtitipid sa gastos ay ang hindi pagdaragdag ng kinakailangang pinaghalong graba sa buhangin, na nagpapahina sa pundasyon ng istraktura ng flood control project.

“If a cyclone hits and the river overflows, the structure is easily destroyed because the foundation is weak,” sabi ni Lacson.

Dahil sa mga bayarin napipilitan ang mga contractor na bawasan ang kanilang profit margin sa 10 porsyento sa halip na 15 porsyento, sabi niya.

Ang masama nito may mga taong namamatay kapag bigo ang mga proyektong ito, sabi ni Lacson.

Ayon kay Lacson nais niyang makita ang listahan ng mga flood control projects na isinumite ng  DPWH sa Malacañang.

“Will congressmen-contractors found liable be actually punished and face charges?” tanong niya.

Sinabi ni Lacson na tinawag siya ng ilang miyembro ng House of Representatives matapos lumabas ang mga ulat na mayroon siyang listahan ng 67 na kongresista na mga project contractor.

 

“They told me that not all their contracts are with government, and most are with private companies. I chuckled and said I don’t have a list, and I didn’t know they or their relatives were contractors until they told me,” sabi ni Lacson. Halaw sa ulat ng The Manila Times

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -