26.1 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Cayetano nanawagan ng panalangin para matigil ang mga gera

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Sen. Alan Peter Cayetano nitong Sabado ng panalangin, pagkakaisa, at habag para sa mga bansang apektado ng digmaan.

Sa kanyang vlog nitong Agosto 8 at 9 na ‘CIA 365 with Kuya Alan,’ binigyang diin ni Cayetano ang agarang pangangailangan ng kapayapaan sa Israel at Palestine, at panalangin para matapos ang paghihirap at gera.

“Ang turo ni Lord, mahalin natin ang kapwa katulad ng pagmamahal niya sa atin. So there’s no conflict in praying for Israel but also praying for the Palestinians. Let’s pray na mawala y’ung suffering at matigil ang gera,” pahayag niya noong Sabado ng gabi.

Bukod dito, sa vlog noong Agosto 9, binanggit din ng senador ang patuloy na krisis sa pagitan ng Ukraine at Russia sa Europa.

Ikinuwento niya ang kanyang mga pagpupulong sa mga lider ng Russia noong siya ay Foreign Secretary mula 2017 hanggang 2018, sa isang opisyal na pagbisita sa bansa.

“Marami po akong kaibigan sa Russia, maging y’ung mga Pinoy na nandoon at foreign minister nila. I had the privilege of meeting (Foreign) Minister (Sergey) Lavrov many times. I had the privilege of meeting President Putin,” sabi niya.

Tungkol naman sa Ukraine, ibinahagi ni Cayetano ang kanyang pagbisita doon 17 taon na ang nakalipas, at binigyang diin ang malalim na epekto ng digmaan sa mga tao.

“Nakapasyal na rin po ako sa Ukraine, way back 2008 or 2009, na parang iisa pa lang ata o ilan pa lang ang Pinoy na nandoon. Yes may Pinoy sa bawat sulok ng mundo,” dagdag niya.

Hinikayat niya ang kanyang online community na sumama sa panalangin ng buong mundo para sa pagkakasundo, pang-unawa, at pangmatagalang kapayapaan.

“Let’s pray because prayer moves mountains,”wika niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -