OPISYAL nang nanumpa si Atty. Bret Monsanto bilang bagong komisyoner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), nitong Lunes, Agosto 19, 2025.

Ito ay matapos makuha ang appointment letter mula sa Malacanang noong Agosto 13, 2025. Pinalitan ni Monsanto si Michelle Anne Gonzales, na kasalukuyang nanunungkulan bilang chairperson at CEO ng komisyon.
Si Monsanto ay dating chief of staff ni dating Cebu Governor Gwendolyn “Gwen” Garcia at may malawak na karanasan sa larangan ng pampublikong serbisyo.

Mainit na sinalubong si Commissioner Monsanto ng buong PCUP sa kanyang pormal na pagpasok sa tungkulin bilang bahagi ng pamunuan ng ahensya. Inaasahang makikibahagi siya agad sa pagpapatupad ng mga pangunahing programa at proyekto ng komisyon para sa mga maralitang tagalungsod sa buong bansa.



