MAY mga nagsabi sa’kin na si OIC Ombudsman Dante Vargas ay pinepressure ngayon. Kasama dito ang malalaking halaga ng suhol, sinusubukan ang kanyang karangalan — mula sa ilang makapangyarihang tao para lang ibasura ang isang kontrobersyal na kaso na aking inihain. Kapag nangyari ‘yon, magbubukas daw ng daan para ma-appoint ang isa sa kanila.
Kaya nananawagan ako kay OIC Ombudsman Vargas: please, huwag kang magpasakop, dinggin mo ang iyong konsensya.
Panindigan mo ang sinumpaan mong tungkulin. Huwag mong hayaan na ang opisina na ginawa para lumaban sa corruption ay siya pang maging corrupted. Bigyan ng patas na pagkakataon ang lahat para lumabas ang katotohanan. Huwag mong ipagkanulo ang tiwala ng mga Pilipino dahil lang sa takot o pabor.
At higit sa lahat, sana ipakita rin ni OIC Ombudsman Vargas ang delicadeza — hayaan na ang bagong Ombudsman ang magdesisyon sa kasong ito. Malapit na tayong magkaroon ng bago, kaya mas maganda kung dito pa lang makikita na natin kung paano niya gagampanan ang trabaho niya for the next seven years.



