34.9 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

Senado sisimulan na ang pagtalakay sa 2026 national budget; Gatchalian nangako ng ‘full transparency’ 

- Advertisement -
- Advertisement -

ILULUNSAD na ng Senado ngayong araw, a-uno ng Setyembre, ang transparency portal kaugnay ng mga pagdinig ukol sa 2026 national budget, ayon kay Senador Win Gatchalian. Kasabay ito ng pagsisimula ng pagtalakay sa pambansang pondo ng Pilipinas ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) at ng Senado na pangungunahan ni Gatchalian na siyang Committee on Finance chairman.

Sa pamamagitan ng portal, sinabi ni Gatchalian na magkakaroon na ng access ang publiko sa mga dokumento kaugnay ng panukalang budget. Ang inisyatibong ito ay kasunod ng pagpapatibay ng isang Senate concurrent resolution na naglalayong makamit ang isang ‘golden age of transparency’ sa buong proseso.

“Ayoko munang pangunahan pero meron kaming nakitang questionable items. Halimbawa, may iba’t ibang title pero pare-pareho ng halaga. Isa pang halimbawa, may project na natapos na noong 2025 pero nasa 2026 budget proposal pa rin,” ani Gatchalian, na nagsisimula nang sumuri ng panukalang national budget.

“Ang tanong, bakit may questionable items kung dumaan na ito sa LGUs at sa konsultasyon sa executive department?” dagdag niya.

Ayon pa sa mambabatas, magkakaroon din ng livestream ang lahat ng budget deliberations, kabilang na ang budget briefings, public hearings, plenary discussions, at bicameral conference committee meetings. Ia-upload din ang mga sumusunod: transcripts, journal records, ang General Appropriations Bill (GAB), ang Senate-approved amendments sa GAB, at ang Bicameral Conference Committee version ng GAB.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -