TATLUMPU’T APAT na urban poor individuals ang nakatanggap ng libreng prosthetic hands/arms mula sa LN4 Foundation, noong Agosto 28, 2025 sa Camp Edilberto Evangelista Patag, Cagayan de Oro City.

Ang proyekto ay naisakatuparan dahil sa aktibong pangunguna at koordinasyon ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Mindanao, na siyang nakipag-ugnayan sa mga LGU-Persons with Disabilities (PWD) Offices sa rehiyon upang matukoy at maipadala ang mga qualified beneficiaries ng programa.

Kabilang sa mga katuwang sa matagumpay na aktibidad ang GMA Kapuso Foundation, 4th Infantry Division ng Philippine Army, Naked Wolves Philippines, at Rizal Paramount Lions Club, na sama-samang nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang proyekto.

Maliban sa prosthetic devices, tumanggap din ang mga benepisyaryo ng essential kits, groceries, at bigas mula sa mga partner-donors na GMA Kapuso Foundation, Philippine Airlines, Ever Bilena, at Best Amo Services Inc.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng LN4 Foundation at mga katuwang nitong organisasyon, kabilang ang PCUP Mindanao, upang mabigyan ng bagong pag-asa ang mga indibidwal na nawalan ng bahagi ng katawan dulot ng aksidente, karamdaman, o iba pang dahilan.



